Under The Rain

Started: November 27, 2006

Completed: March 22, 2008


Whenever I see the rain falling down from the sky, I couldn’t stop my tears from streaming down. I was under that rain when I first saw you, I was under that rain when you first talked to me, and I was under that rain, when I decided to let go of you.

I was in 2nd yr highschool when I first saw him. He was walking down at the corridor. Ako naman e nakatayo dun sa kabilang building with my pink umbrella on. Even though he’s a transferee, marami na kaagad nakadiskubre ng handsome face niya. Kaya naman mabilis kumalat sa school na maraming nagkakagusto sa kanya. He’s a junior then. He’s not only handsome, mabait din daw siya at matalino and gentleman – in short, perfect guy for every girl.

And unfortunately, isa ako sa mga babaeng nagkagusto sa kanya.50 % ata yung tinaas ng members sa girl’s soccer team – dahil sa kanya. Kaya naman nung kinulit ako ni Freya na sumali sa soccer club, edi sumali na rin ako. At least, kahit papano, may irarason akong hindi si Kai yung sadya ko sa soccer club kundi yung pangungulit n Freya. Hindi kasi ako yung tipo ng girl na nakikisabay sa flavor of the month ng mga babae sa school. kaya naman, nakakahiya pag nalaman nilang may gusto din ako kay Kai Francis Monteverde. Dapat ako lang talaga makaalam na gusto ko siya. Ako lang.

“Aba, nakisali ka na rin ah.” sabi naman ni Kyla.

Etong si Kyla junior din. Simula pa ata ng bata to, nagsisipa-sipa na ng bola ng soccer e. Alam niya rin kasing hindi nga ako ang tipo ng babaeng nakikisabay, kaya siguro nabigla ng makita ako sa field kasama yung ibang mga babae.

Ngumiti lang ako at sinabing kinulit lang ako ni Freya e. Kaya ayun, tumawa-tawa lang at umalis na rin kasi pinatawag sila ng coach.

Tingin ako ng tingin sa gilid at baka mapalingon dito si Kai. Tange! Bakit naman mapapalingon saiyo si Kai? he’s too good for you. Napakguwapo niya and marami pa siyang girls na makikilalang magagnda, at ikaw Marj? Sino ka lang? Just another girl na naghihintay na mapansin niya! loka! Wag ka nang mag-ambisyon!

“Garcia! Kanina pa kita tinatawag!” narinig kong sigaw ni Sir Goods.

Siniko naman ako ng katabi kong babae. Kaya napatakbo nalang ako dun sa kinatatayuan ni Sir.

“S-sir?”

“Pakisign nalang po dito Miss.” sabi namn ng isang lalaki from men’s soccer team.

Mabilis ko namang kinuha ang bolpen at nagsign ng sig ko.

“Thank you!” sbai ng lalaki.

“Welcome.” sabi ko at bumalik sa linya.

Nagclap ng hands si Sir at sumigaw na magsisimula na daw yung training.

Naisip ko lang..


Tama ba talaga itong napasukan ko?

Its been a year narin since pumasok ako sa soccer team. And kahit isang taon na ako dun, hindi parin niya ako napapansin. Minsan nga sinasabi ko sa sarili ko na tigilan nalang, pero anong magagawa ko? Puso ko na yung nagdesisisyon.

So eto ako ngayon, napahuli ang uwi kesa sa mga kaibigan ko. Tinapos ko pa kasi yung game sa field habang bigla namang umulan. Kaya sabi ni Coach, umuwi nalang daw kami. Let’s call it a day daw. Tumakbo naman ako sa girl’s dressing room, hindi na ako nagshower since mababasa rin naman ako pag umuwi ako e. Nagbihis lang ako at tumakbo sa gate. Dun ako naghintay ng masasakyan. Dala ko yung payong kong pink at binuksan ito habang naghihintay. 

Nabigla ako ng may biglang tumawag ng pangalan ko. o

“Dice!! Dice!!”

Bigla naman akong napalingon at napatingin sa tumatawag sakin.

OMG! o Kai is calling me? Napablush naman ang lola niyo. Kilala niya ako? kilala niya ako!

“H-ha?” 

“Pede makisilong?”

“S-sure..” halata bang nanginginig ako?

“Salamat.” Ngumiti naman siya ng ever killer smile niya.

Napayuko nalang ako at napatahimik. Hindi rin siya kumikibo. Ewan ko ba’t ganun? Pero 30 minutes na ata kaming nakatayo dun pero wala paring sasakyan na dumadaan. Kaya naman nagsimula akong magsalita.

“K-kaw diba yung vice captain ng boy’s soccer team?”

“Yeah. Napanood ko yung game niyo kanina, galing sumipa ah.”

“Wala nga kaming score e.”

“Pero kahit na, malakas yung pagkasipa mo.”

“Ahh, diba kanina pa kayo pinauwi?”

“Well, may ginawa pa kasi ako e. Number 11 right?”
“Yup.”

“Hey, tama nga pala yung sabi nila no?”

“Na ano?”

“Wala kang mata!” Tumawa naman siya.

Okay, yeah, singkit ako. Eh ano naman ngayon? Eh siya nga chinito din, maputi at matangkad.

“Ngayon ko rin lang nahalata. Nauubusan ka na ng dugo. Punta ka ng hospital.”

Hanggang we spent the another 30 minutes sa asaran.

Hihirit pa sana ako when he suddenly ran. 

“Sa uulitin! Nice teasing with you!”

Napangiti na lang ako sa sarili ko. Mga ten minutes pa siguro akong nakatayo dun na parang lelang, when my friends went out of the school.

“Hoy!” Puting butiki imapaktitang babae! Muntik na talaga akong mapatalon dun, kasi naman no, ang ganda-ganda ng muni-muni mo, biglang may susulpot at manggugulat na impakta. 

Tiningnan ko lang sila habang nakangiti parin ako.  ;)

“Is something wrong? Hoy..” sabi naman sakin ni Gabby.

“She’s crazy. Pangiti-ngiti pa siya. Diane to earth?!” sigaw naman sakin ni Enzo.

“A-akala ko umuwi na kayo?”

“Obviously, nandito pa kami.” sagot naman ni Beulah.

“Okay..” I said at tumalikod.

“Pasilong nga..” hanggang nagsiksikan na kaming apat sa payong ko.

Medyo may pagkautak tipaklong kasi tong mga kaibigan kong ito e. Sinabihan ko na nga kanina na uulan, ayaw maniwala at tinatamad daw magdala ng payong. Kaya ayun, nagsiksikan na kami dito. Wee, sana laging umulan no?

“Ma, I’m home.”

“Dinner’s ready, magbihis ka na at bumaba kaagad ha?”

“Opo..”

Umakyat ako sa kwarto at nagbihis ng pambahay. Napangiti nalang ulit ako habang nakatingin sa umbrella ko sa gilid ng kwarto. I looked at the window at umuulan parin. I just couldn’t believe na nag-usap kami kanina. Kahit hindi siya masyadong matino, at least, napansin niya ako diba?

“So, what happened at school?”

“Ayos lang po.”

“Ako tanungin niyo Ma!” papansin naman ng kapatid kong lalaki.

I looked at him na parang papansin ka talaga look.

“Okay, Biboy, what happened?”

“I got an A+ at Math!” he said cheerfully.

“Wow, that’s very good to hear Biboy!” My mom said.

“See? Nagmana talaga ako sa iyo Mom!” tiningnan kaagad ako ng kapatid ko. “I wonder kung san ka nagmana.” turo niya sakin.

“You’re wrong, the question should be, san ka nagmana?” I asked.

My mom looked at me and I saw Biboy teary-eyed. Hay, iyaking bata. Tinapos ko yung pagkain ko at umakyat sa kwarto. Dun ako nagmuni-muni ulit. Haayy, mahirap talagang paniwalaan na nag-usap kami kanina.

Thursday morning at naglalakad ako sa first subject ko sa Com Class. Lagi kasi akong late kaya napapahuli yung pagpasok ko. As I was walking, I saw Kai with his friends. Ngiting-ngiti pa yung sira-ulong yun. Teka, now I know! Grrrr…

“Ang aga-aga ang daming panget dito sa lobby.” sabi ko.

“Jo! panget ka daw?!” sabi niya naman sa friend niya na si Joey.

“Hoy, baka si Kai meaning mo?”

“Oy, di ako yun no. Sa gwapo kong ito?!” he said at tumawa.

Nagtinginan lang kaming dalawa. Tas pumasok na ako sa loob.

Suddenly, nagskandalo naman yung telepono ko sa loob ng room.

“Miss Hernandez? Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na ioff ang cp tuwing pumapasok dito!” sabi naman ni Mrs. Choyca.

Napatawa naman yung mga classmates ko habang nagmamadali akong lumabas para basahin yung message.

haha, papagalitan ka ni Mrs. Choyca pag narinig ang beep nito.

Kainis no? sinadya pa talaga! And hey, the number’s not familiar. Bigla na namang tumunog. Nakakainis na ah!

tingin ka sa gilid mo..

E uto-uto naman ako, tumingin din naman sa gilid. Nainis lang ako kasi wala naman akong nakita dun e.

hahahha… tumingin rin naman. uto-uto.

Sinailent ko nalang yung cp ko at pumasok ulit sa loob.

“Done Miss Hernandez?”

“Obviously.” tinaas ko yung cp ko. “Try mo nga send ako ng message?”

“Miss Hernandez? That’s just so rude.”

Tiningnan ko lang siya at dumiretso sa computer na ginagamit ko.

Tapos yun, we spent the next two hours learning html na feeling ko mawawasak na yung ulo ko sa mga tags-tags at mga scripts-scripts!

So yun, after the class, lumabas na ako with my friends. Recess time na yun, so diretso na kaagad sa canteen. Bibili na sana ako when someone tapped me at the back.

“ano?”

“Woohh..” nagstepback siya medjo.

o Kung di lang nasalo, laglag na naman puso ko.

“I-ikaw pala. Ano na naman?” uyy.. taray ng lola niyo.

“I’ve got something. Gusto mo?”

“Ano yan?”

“Obviously, pagkain. Honestly, this is really for you.”

Ano tatanggapin ko ba? I mean, dati, i was wishing na kahit candy ibigay niya, ayos na. pero ngayon, he’s giving me a c2 and some other foods pa.

“Baka naman may lason?”

“Ang sama mo naman!”

“Akin na nga..”

Kinuha ko yung pagkain sa kanya at umupo kami dun sa isang table. Maya-maya dumating naman yung mga kaibgan kung sang galing ibayo ng canteen man sila napadpad.

Umupo sila at tinitingnan kaming dalawa na kumakain. Like whats-happening-here look. Do-we-have-something-to-know look at gosh-hearthrob-is-here look.

“Tigilan niyo nga ako.”

“Sige, Dice, una na ako!” tumayo naman siya at tumakbo kaagad.

Bigla namang lumapit ng mukha sakin si Gabby.

“K-kayo naba?”

I just looked at her.

“or he’s courting you?” dagdag naman ni Beulah.

Then tiningnan ko ulit sila. Gosh, they’re really serious!

“Hell no!”

“What’s happening?”

“May mga kasalanan lang sakin.” then I winked at them.

Nang papasok na ako sa room, bigla namang nagvibrate yung cp ko.

see ya at the soccer field mamayang hapon.

After I read the message. Napanganga nalang ako. 
Bigla namang tinusok ng classmate ko yung tiyan ko.

“May assignment ka sa Geom?” tanong ni Krishella.

Tiningnan ko lang yung classmate ko as if she’s speaking Greek at ako Japanese.

“Huist!” she said at tinusok ulit ako sa tiyan.

o

“H-ha?”

“You’re weird.” she just said.  /

tiningnan ko lang siya at pumasok ako sa loob.

Nung bandang hapon na, kumaripas naman ako ng takbo papunta sa soccer field. Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala naman masyadong gaanong tao. Yung mga boys lang from the soccer team. May isang kumaway. Pero ewan ko ba. So, since ako yung nauna sa mga girls, umupo nalang ako dun sa bleachers at wala, tumingin sa kanya habang sumisipa ng bola.

Napanganga nalang ako. Then he waved at me. Can you believe it?! He waved at me! So yun, parang lelang ako dun. Then, dumating si coach at nagsimula na yung game. So yun, nainspire ako kaya nakapag 3 goals ako.  D

Sumabay na ako sa pag-uwi sa mga friendships ko. hindi kasi umuulan at maaga naman kaming pinauwi ni Coach. Nung gabi din yun, yung nagtetext sakin? Si Kai pala yun. So ayun, napablush na naman yung lola niyo. That night, it rained. Since ng gabing yun, we became close to each other.

Araw-araw niya na akong nililibre. Lagi na siyang sumasabay sakin, umulan man o umaraw. Tuwang-tuwa nga ako e. Matagal-tagal na rin kaming ganun, and Im sure, yung ibang babae naiinggit na. Pero sympre, for them, wala lang sakin since ako lang naman yung nakakaalam na may gusto ako sa kanya e.

Until that day…
yun yung isa sa mga araw sa buhay ko na pinangarap ko na sana mamatay na lang ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

1 message receieved

Kai

pede kita tau mya sa Jeg’s? Importante lang, di pede dito sa text eh. )

Nag-assume rin naman kaagad ako. Akala ko talaga manliligaw na siya. Tuwang-tuwa pa ako nun. But then, he said those words..

“Dice.. well..”  =(

“Hm?” 

“Well.. kasi….” 

Napatingin lang ako sa kanya.

“Can you help me with Alexa?”

My world stopped turning. Pakiramdam ko, binuhusan ako ng mainit na tubig para magising. 

Gustuhin ko mang umiyak, hindi ko nagawa. Instead, my tears filled my eyes. And then he looked at me.

“Dice?” 

“S-sure..”  /

“But..but you’re crying?”

“N-no..im..Im just happy.  =(

“Thanks!” he said.

Of all people, bakit yung..

bestfriend ko pa?

Pinilit kong pigilan ang pagtulo ng mga luha ko.  Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa. Pakiramdam ko, sinasaksak puso ko.  =( Ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Yung paglilibre niya sakin, yung mga text messages niya, yung pagiging close niya sakin, lahat yun dahil kay Alexa. Alexa, yung bestfriend ko. Lahat dahil kay Alexa.

“D-dice?” 

“I-I’ll go ahead.” I said at tumayo na kaagad.

Mabilis akong naglakad papunta sa exit, pero hinawakan niya yung braso ko.

“Ihahatid na kita.” he said.

“Hmm, hindi na, may nadadaanan rin naman ako jan eh.” tinuro ko yung mga stores sa labas.

“But, are you really sure you’re okay?”  (

“Yep. Tsaka malapit lang naman yung bus station eh.”

Nang sinabi ko yun, kinuha ko ang braso ko sa pagkakahawak niya at dumiretso na sa labas. Naglakad-lakad ako papunta sa bus station. Grabe, parang gusto kong humagulhol sa pag-iyak. Alam niyo ba yung feeling na parang.. basta, yung parang tinapon sa iyo lahat ng sakit sa pagdaramdam? Yung feeling na makakapagtanong ka talaga sa Diyos kung bakit, sa lahat ng babae sa mundo, bakit yung bestfriend mo pa?! 

Bigla ko nalang naramdaman yung mga luha kong tumutulo sa mga mata.  Pero diba, look at the bright side? Bagay naman sila eh. Alexa as the editor-in-chif of the schoolpaper, won several gold medals at some writing contests, and well, si Kai na captain ng soccer team, won gold medals for some interschool games.  kung iisipin, bagay na bagay sila. The Gold recievers. At kapag nagpakasal sila, magiging masaya ang lahat. At nasan ako sa mga panahong yun? Ipagdadasal ko na sana mawala ako na parang bula. Parang bula na hindi makakaramdam ng sakit sa makikita at maririnig ko. 

Ng sumakay ako sa bus, nahalata kong gabi na pala. There I saw a star. Sabi nila, yun daw yung venus na planet. But I’m not really sure. Naalala ko pa, nung second year ako. Palagi akong nakadungaw sa bintana at susubukang bilangin yung stars. Sabi ko sa sarili ko, pag nabilang ko sila, dun ko lang kakalimutan si Kai. Pero sa kasamaang palad, hindi ko nabilang lahat. Hello no? Masyadong marami for my naked eye. Napatulo na naman luha ko.  Ang tanga mo kasi Diane e! Sobrang tanga mo!

That was when I wished again at that the same star..

It was early in the morning at wala akong planong pumasok sa school. Ewan ko ba pero since he told me na itutulay ko siya kay Aleck, nawala na yung gana kong kausapin o makita siya. But then, pumasok parin ako. 

“Hi Dice.” sabi naman sakin ni Aleck.

“Hi Lex.” I said.  =(

“Is there something wrong?”

“W-wala naman.. bakit?”

“You look pale..”

“Ah.. kulang sa tulog..”

“Yeah, halata nga. Nangangalumata ka e.”

Tumawa lang ako at sinandal ko yung ulo sa bintana. Nakaupo kasi ako sa gilid.

“Anyways, pinapasabi ni Kai na sabay na daw kayong magrecess mamaya.” she said at bumalik sa upuan niya.

Napaalarma naman kaagad ako sa sinabi ni Alexa. Eto na.. eto na talaga yung kinatatakutan kong mga araw ng buhay ko.. eto na talaga..

hindi ba pwedeng tumakbo nalang ako papalayo dito?  san nga pala nakatira yung mga penguin?! Sasama nalang ako sa kanya at magpapafreeze sa ice. At least, wala na kaagad akong mararamdamang sakit at takot. Diba?! 

I forced a smile at sumandal na ulit sa bintana. After nun, nung recess time, nandun na sa harap ng pintuan ng room namin si Kai. Nung lumabas ako, todo ngiti pa siya sakin at lahat. May dala nga siyang Nestea at maliit na cake e. Yung mga classmate ko nga, napa ‘uyy’ eh. Naku..

..kung alam lang nila.. =(

Kung alam lang nila.. kung alam lang nila talaga yung katotohanan behind these stuffs. Dumiretso kami dun malapit sa soccer field. May benches kasi dun at wala masyadong tao. Dun kami nag-usap. At anong topic? Guess niyo, of course, all about Alexa. Siguro nga, pwede na akong gumawa ng talk show e.  Ang saya-saya niya habang kinekwento ko kung anong mga gusto at ayaw ni Aleck. Abot tenga yung mga ngiti niya ng sabihin ko na ni minsan, hindi pa nagkaboyfriend si Aleck. Basta, lahat tungkol kay Aleck. Naging daily routine na namin yun siguro. Since that day, kwento lang ako ng kwento sa kanya. Grabe, kung alam niyo lang kung gano na kasakit yung nararamdaman ko dito sa puso ko. Pakiramdam ko, bwat salita na lumalabas sa bibig ko, kumikirot puso ko.

Bakit ba ganito?!

Idagdag mo pa yung mga classmate kong palaging nag ha ‘haayy’ sa likod ko. Lagi nilang sinasabi pag nakikita nila si Kai na nakatayo sa labas ng room..

“Haayy, Diane. Ang swerte mo talaga.. Sana ako nasa lagay mo..”
“Haay, Diane, ang haba ng buhok mo..”

Sana nga kayo yung nasa side ko no? Para alam niyo kung gano kasakit ang maging tulay ng bestfriend mo at ng mahal mong tao.  Hanggang hindi ko na nakayanan, pumunta ako sa chapel para magdasal.

Bago pa ako makapagsalita, bumuhos na yung mga luha ko.. 

“Diyos ko naman… bakit po ba ganito ang nangyayari sakin? Ganito na ba talaga ako kasama para parusahan mo ng ganito? Grabe na e.. sobrang sakit na talaga.. sobrang sakit na po..  Dati, yung pinagdadasal ko lang naman sa iyo, na sana kausapin niya lang ako o sana kahit bilhan niya lang ako ng 7 pesos na juice.. oo, sobra-sobra naman yung binigay Niyo.. Nestea araw-araw.. 12 pesos yun.. lage pang may kasamang kung ano-ano.. araw-araw ko na rin siyang nakakausap.. pero bakit ganito? Sobrang masakit.. Araw araw ko nga siyang nakakausap, pero tungkol naman lahat kay Aleck..  Kailan niya po ako mapapnsin? Kelan niya po ako matatanong rin sa iba? Ayoko na po.. ayoko ko na talaga.. sobrang masyadong masakit na.. ang tanga-tanga ko talaga kasi e..  Diyos ko.. sana lang naman pakinggan niyo tong hiling ko.. Kung hindi niya talaga ako kayang mahalin, please po.. kunin niyo nalang po yung mga nararamdaman ko sa kanya.. please po.. tulungan niyo po ako.. at kapag ganun po, I promise you, magpapakabait po talaga ako.. Amen..” i sat and buried my face at my handkerchief.

Bigla namang may humawak sa likod ko.. Bigla naman akong napatingin..

Si Kyla pala..

“Just cry..” she said at niyakap niya ako.

Grabe, napahagulhol na naman ako sa pag-iyak.. sabi niya ayos lang daw na umiyak ako sa harapan niya, wala naman daw yun sa kanya. She knows kung anong pinagdadaanan ko. Kaya ayun, napakwento nalang ako tungkol sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon.

“Alam mo, matagal ko ng alam yan.” she said.

“Di nga?”  O

“Hindi lang ako nag-ingay. Simula pa nung sumali ka sa Soccer Team. Naisip ko kasi, hindi naman ikaw yung tipo ng babae na magpapagod sa gitna ng mainit na araw sa field.” she smiled.

Napatahimik nalang ako at napayuko.  =(

Lumabas kami ng chapel at dumiretso ako sa classroom. Pagkabukas, he started courting Aleck na. Nabigla nga yung lahat e. They said..

“Oh my gosh Diane. Akala ko ikaw yung nililigawan..”

“Gosh Dice, this is just so OMG! Sinong mag-aakala na si Aleck pala yung liligawan?”

“Bagay na bagay sila no?”

Napatahimik nalang ako at napatango. Oo, sabi kasi sa inyo e. Hindi ako, kungdi ang bestfriend ko. Ang pinakamatalik kong kaibigan. Simula noon, hindi na ako yung hinihintay ni Kai sa labas ng room. Simula noon, hindi na ako yung binibilhan ng Nestea at kung ano-ano pa. Simula noong araw na yun, hindi na kami nag-uusap, simula rin nung araw na yun, dumistansya na ako. Masyado nang masakit e. Araw-araw nang sumisikip yung dibdib ko. Pagod na siguro yung puso ko. Pero kahit ganun, hindi parin sumusuko.

Isang araw magkasama kami ni Aleck papunta sa Administration.

“Dice.. I think I’m falling..” she said.

Napatawa naman ako ng plastic.

“San sa bubong?” I joked.

Bigla niya naman ako hinampas ng mahina.

“Loka, kay Kai.” she said.

Eto na naman.. eto na naman yung kirot sa dibdib ko. Eto na yung mga kinatatakutan ko. Magiging sila na.. magiging end of my world na. At sana kapag mangyari yun, sana igagrant na ni Lord na gawin akong bula.  =(

“D-dice?” she asked as she waved her hand at my face.

“Oh, sorry.” I smiled. “Wow, sa wakas, nahuhulog ka na rin..” I said.

“Oo nga eh.. when’s the ryt time to answer him kaya?”

After 48 years?

“D-dice?”

“Huh?”

“Mukhang wala ka ata sa sarili mo these past few days ah?”

Its because of you and him. 

“Wala lang.. mejo busy lang eh. Daming iniisip..”

“Ahhh.. sana magawa niya pang maghintay..”

Another shot! Ouch.. sana nga naman no? Siguro dapat na lang nga akong magbigay ng moral support sa kanya. Baka pag ganun, mawawala ng mawawala yung nararamdaman ko sa kanya.

What ya think?

Days had passed. Umalis ng school si Kai. May pinuntahang competition with his teammates. Kami? naiwan, kasi wala namang soccer yung girls, kaya pinaiwan nalang. One week ata siyang nawala, and grabe, sobrang miss na miss ko siya. Si Aleck namiss din ata siya. Kaya minsan, nung nag-usap kami..

nalaglag nalang yung puso ko at muntik nang mapatulo yung luha ko..

“Ill answer him pag bumalik na siya.”

Kung pwede ko silang sakaling dalawa, matagal ko ng ginawa. Wala naman talagang kasalanan dito si Kai diba? Hindi niya naman sinabing umasa ako sa kanya. Pero dahil isa’t kalahating gaga din ako, kaya eto, heart attack siguro ang aabutin ko dito.  =( Sana lang nga no? Wag na siyang bumalik. Pero hindi ko naman kailangang pumili between my bestfriend and sa lalaking mahal ko no? I don’t wanna be torn between them. And he chose her over me. Tanga! Di niya naman alam na may gusto ka sa kanya e!  And tingin niya sa iyo tulay lang talaga as in, tulay patungo sa bestfriend mo!

Ang bilis nga ng panahon and it was Monday na.  Ayoko ngang pumasok if not for my Geometry quiz. Alam ko na kasi ata kung anong mangyayari e. Syempre, every Monday, we got this convocation, after the program, announcements and mga achuachu ng skul. So, they’ll giver great credits and congratulate his team for winning. Yeah, they won. Aleck texted me nung Saturday night.

Congratulations eh no? And he even texted me pala. Pero hindi na ako nagrereply. See? I kept my distance from him. Nasasaktan lang naman kasi ako kapag nakikita ko silang dalawang magkasama. 

Nung pumasok ako, he was smiling dun sa lobby ng library. Siguro akala niya lalapit ako sa kanya at icocongratulate siya. I even saw his reaction nung dumiretso lang ako as if hindi ko siya nakita.  |

Whole morning akong hindi nakipag-usap nor sumali sa fansclub niyang nagkakandarapang mag-abot ng congratulations thingy. Si Kyla naman nakinood lang kasama ako. She even smiled at me na parang ‘ayos lang yan’. So I smiled back too.

After the program, ayun nga, inanounce na nanalo sila. Todo hiyawan na naman. As if, bago parin sa kanila. Napaupo nalang ako dun sa chair ko. Si Aleck naman todo yung sigaw-sigaw niya.

Then biglang nagsalita si Captain sa mic.

“Thanks sa suporta. We could’ve not done it without God and you. All praises to God! And of course, yung inspiration ko…”

Parang gusto kong mabingi nalang kesa marinig yung pangalan na sasabihin niya. Napayuko nalang ako at sinaksak yung ipod ko sa tenga. Loud volume pa para di ko talaga marinig. Bigla nalang napatulo yung luha ko. I ran out of the crowd sa auditorium at pumunta sa likod ng gym. There I cried my heart out. 

Parang inubos ko na talaga yung luha ko dun sa pag-iyak na yun. It was lunch time when I went back to the classroom. Hindi na ako kumain ng lunch. Nakakawalang gana. I even heard my classmates na ‘sila’ na. Kakasagot lang daw nI Aleck sa kanya.

Great! As in, super great! Diba? Great naman talaga e. Sobrang great. 

I sat back at my chair at nilean ko ulit yung ulo ko sa bintana. Tapos sinaksak ko na naman yung ipod ko sa tenga. Tama na, if I can just run far away, matagal ko ng ginawa. Pero huli na eh. Guys, ‘sila’ na. Wala na akong magagawa diba? All I have to do is just to keep away from him. Baka sakaling mawala na tong kagagahan ko. Diba?

Then that night he texted me like saying.. thank you daw.. super ganda daw akong maglakad. Salamat daw sa lahat etc. etc.

Okay, you’re welcome. Pero hindi nako nagreply. Sayang lang yun sa load noh. Wala rin naman akong makukuha sa kanya ngayon. Days had passed, sobrang pag-iiwas na yung ginagawa ko. Nagiging close na rin nga kami ni Kyla e. Sa kanya ko kasi sinasabi ang lahat. Binibigyan niya rin naman ako ng advice. And Kai? Well, minsan, pagnakikita kong magkakasalubongan kami sa corridor, i turn left or right or kahit saang pinto na pwedeng pasukan. Minsan nga, sa labas ng room, alam ko minsan gusto niyang lumapit pero tumatakbo naman kaagad ako at sinisigaw ko sa kugn sino mang classmate ko na may hihiramin pa akong book. Kaya minsan, napapatingin nalang siya sakin.

Minsan naman nagsesend-send ng quotes, kala niya naman gusto ko. Naman.. mas lalo lang akong nasasaktan e.

Until one day..

Nakatayo siya sa harap ng door ng room namin. Sabi ko sa sarili ko, magpapahuli na lang ako ng labas, total lalabas rin naman kaagad si Aleck, so uuwi na sila. Pero ewan at kung ano pa yung inaatupag ni Aleck kaya as usual, tatakbo na naman sana ako palabas papunta sa lib, pero nagsimula ring maglakad si Aleck papunta ng door kaya nagdahan-dahan nalang ako sa paglalakad.. Nakalabas na si Aleck and I was really expecting na susunod na rin siya. Pero he was still standing at the front of the door na as if ako talaga yung pakay niya.

Then nagmadali akong makalabas sa door, but he grabbed my arm. Napatingin si Aleck bigla. Kahit ako nagtataka kung bakit niya ako hinawakan.

“K-kai?” Aleck asked.

“Go ahead, amin lang to.”

Nabigla ako dun habang hawak-hawak niya parin yung braso ko. And hey, hindi lang ‘hawak’, sobrang higpit ng pagkahawak na parang mapipisa na yung maliit at maganda kong kamay.  / I couldn’t find my voice, nakatingin lang ako sa kanya, trying to read his mind.  Pero wala e. All I can see is anger na ewan kung ano. Anong amin lang to?  | He looked at Aleck so fiercely, kaya nagsimulang maglakad si Aleck palayo. I even looked at Kyla na nandun din sa kabilang room. She just nodded na para bang ‘go ahead..’ as if alam niya kung anong gagawin ni Kai sakin.

Hinila niya ako papunta sa benches dun sa soccer field. Wala na masyadong tao since wala na rin masyadong practice.  =( Ewan ko ba at parang nainis na rin ako. Kinuha ko yung braso ko sa pagkakahawak niya.

“What?!” I asked na parang naiirita na.

He looked at me and took a deep breath.

“You’re not replying to my messages, you’re not answering your phone! Kapag tumatawag ako, lagi kang may ginagawa or wala sa bahay! Kapag lalapitan kita, lumalayo ka! What’s wrong?!”

What’s wrong?! Is he asking me what’s wrong?! Ikaw! Ako! Si Aleck! Mahal kita, pero ang mahal mo ang kaibigan ko! Yun! Yun yung mali! I’m learning how to let go and now, itatanong mo sakin what’s wrong?!

I looked at him straight in the eyes.

“Nothin.. it’s just that, ive been very busy these past few days and – “

“You’re not. Iniiwasan mo ako. And why’s that?!”

“Hindi kita iniiwasan.. it’s just that.. you’re always with aleck and..”

“And what?”

“Teka, why do i have bother to explain to you kung bakit? You’re not my bestfriend or something..” I said and turned to walk away.

But then, he suddenly grabbed my hands and hugged me.

o o o o

“W-what are you doing?” I asked nervously.

“Diane.. Ikaw ang mahal ko..” he said at bumitaw ako. I pushed him when said those 4 words.

I looked at him in shock.

“Pero diba- si- si- Aleck?”

“Akala ko si Aleck, pero hindi e. Ikaw Diane..”

“H-hindi..” napailing ako ng napailing.

At bago pa siya makapagsalita.. *pak*

“D-diane?” he said habang hinawakan yung pisngi na sinampal ko.

Bigla nalang kaagad napatulo yung mga luha ko. I looked at him with bitterness in the eyes.

“This is not.. a good joke..” I said at tumakbo na palayo.

Grabe.. grabe na talaga to.. Diyos ko, that wasn’t a very good joke. Hindi yun maganda.. mas lalo lang akong nasaktan. Mas lalo lang akong nasaktan, gets niyo?
Mahal niya daw ako? Pero mahal niya rin yung bestfriend ko diba?

Naguguluhan ako..

Yup, tama. Naguguluhan ako. To the point na parang susuko na ang utak ko sa pag-iisa-isa ng mga nangyari. That wasn’t a good joke! Hindi yun maganda! Mas okay na lang siguro sakin na mahulugan ng balde galing sa itaas ng pintuan.. o kaya maslide sa harap ng maraming tao.. o kaya mahulog nalang sa kanal. Mas okay na lang yun, at least..  at least.. mawawala kaagad ang sakit. At least, ipahinga mo lang, makakalimutan mo na kaagad. Pero eto? Etong sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam kung anong klase to.  Too painful for me to bear.

Tumakbo kaagad ako sa room at kinuha ang bag ko. I just couldn’t cry up here. I would look so -vulnerable. Kaya naman tumakbo na ulet ako papunta sa gate at naglakad ng mabilis. I even saw Kyla smiling sa kabilang kanto, she even waved at me. Pero masyado ng blurry yung vision ko kaya hindi na ako nakapagwave. She looked so happy na nag-usap kami ni Kai. As if, alam niya kung anong gagawin ni Kai at alam niya kung anong magiging reaction ko. Pumara na kaagad ako ng jeep at sa hindi ko na mapigilan, sabay ng pagbagsak ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko. 

I buried my face under my hanky. Iyak ako ng iyak ng may kumalabit sa gilid ko.  Bigla naman akong napatingin.

“Ineng.. nagbreak ba kayo ng boyplen mo?” tanong ng isang matandang babae.

Tiningnan ko lang siya habang namuo ulit ang luha sa mata ko.

“H-hindi po..”  (

“Eh ganun naman pala e.. tumahan kana diyan..” sabi niya sakin.

“O-opo..” Then napatingin ako sa kabilang upuan. Marami na pala yung mga tao at lahat sila nakatingin sakin.  =(

Pkiramdam ko, pwede na akong maglaho nung oras na yun.

Nang makarating ako sa bahay, walang tao. May naiwang sulat lang si Mama na bukas pa daw yung balik niya from a business trip, at may pagkain na daw sa ref, initin ko nalang daw sa microwave. I opened the fridge to check kung ano, meron nga kaya sinirado ko nalang ulit ito at umakyat sa kwarto.

Nahiga ako sa kama with my arms wide open. Inisa-isa yung mga sinabi niya sakin. Bigla ko naman naramdaman yung pagtulo ng mga luha ko. Leche..

Peor diba ito naman yung gusto ko? Yung sabihin niyang mahal niya ako? Diba? Diba? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit pakiramdam ko, masakit masyado?

Dahil alam kung hindi pwede? Dahil alam kong masasaktan ang bestfriend ko kung papatulan ko ang lalaking mahal niya – na mahal ko din?

Kinaumagahan, halatang mapula-pula pa yung mata ko. Kaya naman dinala ko yung Visine ko para kunwari may inaallergy lang ako. Meron bang allergy na para sa mata? Ah.. bahala na..

“Dice..”

“Hi Ky! Goodmorning!” 

“G-goodmorning..” 

“Sige, una na muna ako..” ngiti-ngiti lang.. para walang makahalata ng pula mong mata.

Papunta na sana ako ng cr ng may narinig akong sigawan..

“What was that all about yesterday?!”

“Wala ka na dun!”

“You like her?!”

“No!”

“So ano?!”

“I don’t like her.. so stop it!”

Nabigla nalang ako kaagad.

“I love her..”

I don’t like her, so stop it.

O

Nabigla ako sa narinig ko. Woah, great Diane. You just heard what you really wanna hear. Now alam mo na he’s just playing games with you. Ngayon alam mo na hindi naman talaga pala siya perpekto – hindi siya yung lalaking inaasahan mong maging siya. Pakiramdam ko, bubuhos yung mga luha sa mata ko. I ran as fast as I could palayo sa lugar na yun. I heard enough – enough to make me say he’s a liar.  (

Dumiretso ako sa classroom at umupo na kaagad sa desk ko. Sobrang pagpipigil na talaga yung ginagawa ko para di tumulo yung mga luha. Bakit ayokong umiyak? Andito ako sa room – i don’t want the whole class to see that Diane is crying. I don’t wanna look vulnerable. At kapag umiyak ako, tatanungin ako nila, bakit ako umiiyak. Ano isasagot ko? Dahil nalaman kong hindi ako gusto ni Francis Kai Monteverde? Na nang narinig ko yun, pakiramdam ko, binagsakan ako ng langit at lupa? Great. Pinikit ko nalang ang mata ko para di nila mahalata ang mga luhang namumuo sa mata ko.

“Hoy Dice, ano problema mo?” bulong saken ng seatmate ko na si Harold.

“W-wala naman.. =| bakit?” I forced a smile.

“Ang pula ng mata mo.. masakit ba?”

Bigla naman akong nataranta. Masakit? Oo masakit. Sobra. Pero bigla nalang akong napaisip, ano nga ba tinatanong nito? Masakit ang marinig yun o masakit lang ang mata ko?

“M-masakit ang?”  /

“Ang mata mo..”

“Ah.. di naman masyado.. Napuwing lang ako kanina..” 

“Ahh, sige.. Ingat-ingat nalang..” sabi niya at nagsimula na namang magdrawing.

Tiningnan ko lang si Harold. Buti pa siya, walang iniisip na kung ano-ano. Pag nakahawak siya ng ballpen at papel, tama na. Masaya na ang mundo niya kasama yung mga bagay na yun.

Then napangiti ako sa sarili ko. =| Ang tanga mo kase Diane. Ang tanga-tanga mo. Akala mo siguro mamahalin ka nang isang Kai Monteverde ano? Hindi na yun mangyayari. Isipin mo nalang yung nangyari kahapon, panaginip lang. Isang magandang panaginip. And the best part was – kaw ang bida. Kaya makuntento ka na dapat.

Tumingin ako sa labas dun sa alley. Tinitingnan ko kung maraming tao yung tumatambay. Pupunta sana ako ng cr para icheck yung mata ko. I saw Alexa crying. Nabigla ako since dapat masaya siya. Dapat ako yung todong umiiyak ngayon. WTH – ano ginawa ni Kai?!

Tatakbo na sana ako sa kanya when our professor entered the room. Nagsign siya na maupo na yung lahat. Alexa sat at her own desk 3 seats away from me. Ako naman, nagwoworry kung bakit siya umiyak. Kahit yung mga classmates ko nagbubulong-bulungan na sa likod. They even passed me notes kung bakit daw umiiyak ang bestie ko. I just answered them – mind your own business.

Napaisip na lang ako, what could be probably the reason why she cried.

“Diane!” muntik na akong mapatalon when i heard a loud tap at my desk. Gosh, it’s Mr. Santillan. “As I was saying, the body is present but the mind is absent. Now class, who do you think will be the best example?”

I looked at the class and they’re all looking at me, then they shouted, Diane!

Wow, great. Thanks. I stood up and smiled.

“Wow, thank you classmates. Thank you fans! keep supporting..” I said and glared at Mr. Santillan then flashed a sweet smile.

Haha, kung nakita niyo lang yung reaction niya nung naghiyawan ang mga classmates ko at umupo ako – matatawa ka. I hate this man – kaya naman bad girl ako pag nasa class niya ako. Lagi nalang ako ang nakikita.
Makikinig na sana ako when I saw Alex stared at me. That look – is a familiar one.

Pagkatapos ng class, pumunta ako sa upuan niya and kneeled down since she’s sitting. I held her hand and asked.

“Why did you cry? Are you alryt?”  =| I asked.

Walang response, she just cried.

“Aleck.. what’s wrong? Hoy..” nininerbiyos na talaga ako. “Aleck? Ano ba? What’s wrong?”

She wiped her tears and faced me.

“Do you really know what’s wrong?!”  she shouted.

Gosh, easy lang. Lahat ng classmates ko napalingon samin.

“Y-yeah.” 

“Ikaw! Ikaw ang problema!”  she cried again.

“A-ako?”     :

“Oo, ikaw! He likes you… he likes you a lot..”

“Sino?”

“Wag ka nang mag-maangmaangan na hindi mo alam kung sino yung tinutukoy ko! I thought you’re my bestfriend..”

Okay, nawiwindang utak ko. Hindi naman pwedeng si Kai yun since kakarinig ko lang na hindi niya ako gusto. Diba? A-agree kayo diba?

Lahat na ng classmates ko nakatingin samin. Yung iba nagsimula nang magbulungan. Pati yung studyante ng ibang sections, nakichismis narin.

“H-hindi ko talaga alam ang sinasabi mo Alex..”

“You see?” humarap siya sa mga tao. “My bestfriend, is a traitor. My bestfriend.. loves my boyfriend.. and my bestfriend.. snatched him away from me!”

o O o

Nabigla ako sa sinabi niya. How could.. how could she do that? Alam nating lahat na hindi ko siya inagaw sa kanya. Alam nating lahat na pinigilan ko ang sarili ko para maging masaya sila diba? Pero.. pero bakit ganito?

“No.. I didn’t. H-hindi ko siya inagaw sa iyo.. hindi kita tinraydor.. Alexa..”  =(

My tears started to flow from my eyes. I looked at her in shock – hindi ko yun ginawa.

“I hate you..” she said while crying. Umangat yung kamay niya at napapikit nalang ako. I don’t deserve this.. pero para sa kanya – sige, if that’ll make her feel alright.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Then I saw Kyla. She was holding alexa’s hand.

“You don’t have any right to slap her.” Kyla said.

Alexa looked at her na parang kinamumuhian narin nito si Kyla.

“Kyla..”

“Remember that – hindi mo alam kung anong pinagdaanan ng kaibigan mo para sa iyo.”

“You don’t even know what’s the story..” Alexa said.

“Yes I do. Mas alam ko pa kung anong nangyayari kesa sa iyo.”

“Kyla, just leave-“

“If you want, we can talk with Kai himself.”

“Shut up!”

“No, you shut up Alexa.

…coz you don’t have any right to make a noise about this topic.”

Pulang-pula na si Alexa sa galit. Si Kyla naman hawak parin ang kamay nito. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pinikit ko ang mata ko, nagbabakasakaling panaginip lang ito lahat. Pero nang imulat ko ulit, ganun parin at walang pagbabago.

My vision was blurry. Pakiramdam ko, umiikot na nun ang mga tao at ang paligid. Until..

__________

Marami akong naririnig na boses. Pakiramdam ko, sobrang busy nila na hindi nila ako naririnig. I tried to open my eyes pero ewan ko at bakit hindi ko mamulat. Siguro nga, pagod na talaga siya sa nakikitang mga bagay na nakaksakit dito o –>❤.

“Kyla?”

“Are you alright?”

“Yeah.. did I.. did I collapsed?”

“Oo.. haayy.. nakakainis talaga..”

“Ayos lang yun.. thanks pala ha..”

“Oh.. kai brought you here.”

“Huh?”

“He did. Hmm, nabigla nga ako. Basta, nung natumba ka, bigla nalang siyang lumabas kung saan and carried you papunta dito.”

“Oh.. pakisabi nalang thank you.”

“You’re afraid, right?”

I just looked at her.

“Takot ka sa pwedeng mangyari sa inyong tatlo no?”

“Oo.. takot akong masira ang friendship namin ni Alex.. takot rin naman akong mawala siya sakin..”

Pakiramdam ko, bigla namang kumurot and puso ko. Well, wala akong magagawa. That’s fate. That’s our fate. Hindi magiging kami kahit na kailan.

“You’re crying again..” Kyla said while wiping my tears.

“Sobrang nasasaktan na ako e..”

“Well, that’s love. Hindi yan kumpleto kapag hindi ka nasaktan.”

“You’re right.” I smiled.

“He’s outside. Usap kayo, okay?”

“But-“

Bago pa ako makapagsalita, she went out na. I wiped my tears and displayed a smile.

“Ayos ka lang?” he said at umupo sa gilid ko.

“Yeah, thank you nga pala.”

“I’m sorry.”

“Sorry for what?”

“I told her..”

“Told her what?”

“I love you.”

“Huh?! but you.. but you just said.. you don’t like me and..”

“You heard it?”

“Well, yeah.. Sorry..”

“You didn’t finish what you were listening. I don’t like you, because I love you.”

Pakiramdam ko hindi na ako makahinga. Halo-halo na yung nararamdaman ko. Takot, kaba, saya, nerbyos.. hindi ko na alam. Sobrang nalilito na ako.

“How can you say that?” I said as tears filled my eyes again.

“You really wanna know? Pano naman kasi.. tuwing magkasama kami ng bestfriend mo, ikaw ang pumapasok sa isip ko, kung kelan kita ulit makakausap. Kung kelan ko ulit makikita yung ngiti mo. Kung kelan ko ulit maririnig ang mga tawa mo. Ikaw yung lagi kong naiisip Diane. Alam kong hindi dapat, pero.. hindi ko alam kung bakit ganito ako. I texted you many times, pero di ka naman nagrereply. I called you, pero lagi kang may ginagawa. I felt I’m going insane.” he said while holding my right hand.

I looked at him kung sincere nga siya sa mga sinasabi niya. And yeah, ni isang bakas ng kasinungalingan, wala akong nakita. Huminga ako ng malalim at inalis ang pagkakatingin ko palayo sa kanya.

“Diane.. tatanungin kita..”

“Ano?”

“May pag-asa bang mamahalin mo ako?”

Nabigla ako sa itinanong niya. Ha? Ano sasabihin ko?

“Pero.. hindi pwede-“

“Ang tinanong ko lang, may pag-asa bang matutunan mokong mahalin?”

Ito na ba yung oras na dapat akong magpakatotoo sa sarili at sa puso ko? Siguro.. this time, ako naman.


“Oo, mahal kita..”

“Oo.. mahal kita..” bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang yun. But somehow, I felt good. Nailabas ko na yung gusto kong sabihin simula pa noon. And it really felt good.

I saw him smile and he hugged me. For a moment at least, pakiramdam ko, wala akong problema. For a moment at least, I felt na wala akong bestfriend na nainlove din sa kanya.
Pero alam ko, and I’m fully aware na mawawala rin itong pakiramdam na ito.  As they’ve said, reality is painful. And yeah, tagos na tagos talaga yun sakin.

And before I knew it, kumalat na sa school na nakipagyakapan daw ako sa boyfriend ng bestfriend ko. Every time na dumadaan ako ng hall, lagi silang nagbubulungan. Si Alexa, di na ako kinakausap. Kahit yung iba kong friends, lumalayo na sakin.

Kung alam lang nila kung anong ginawa ko noon para sa kaibigan ko. Kung alam lang nila iyon! Sa totoo lang, parang gusto ko silang lahat sabunutan at sabihin kung anong pagpaparaya ang ginawa ko para maging masaya ang kaibigan ko e. Pero hindi pwede, kaya tumahimik nalang ako at sinalo lahat ng panunumbat at tingin ng mga taong yun. Si Kyla.. si Kyla ang pinaka grabe sa lahat. Kasi kahit ganun na yung trato ng iba sakin, nandiyan parin siya sa tabi ko.

Alam niya kasi kung anong ginawa ko. Alam niya kasi yung storya talaga sa likod ng lahat ng pangyayaring ito. Si Kai naman lapit ng lapit sakin para daw makita ng tao na hindi ako ang naghahabol sa kanya. Siya daw yung may gustong gawin ito at wala daw akong planong masama sa bestfriend ko.

“I really think na wag ka na munang pumasok sa eksena.” sabi ko kay Kai isang araw while he was walking me home.

“W-why?”

“Mas lalo lang gugulo yung pangyayari e. Better keep a distance from me muna.”

“But-“

“I’ll face this on my own.”

“Pero diba-“

“Come on.. kaya ko to? Okay?”

“Pero hindi naman ata pwedeng iwan nalang-“

“Do you trust me?”

He just looked at me.

“Kai? Do you trust me?”

“Pero Dice..”

“Do you trust me?”

“Yeah.”

Masakit man sabihin ito, pero kailangan.

“Then leave me alone..”

Kai’s POV

..then leave me alone.

Parang nanigas ako sa sinabi niya. Ni hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko nang sinabi niya yun. Leave her alone?! Is she kidding me? After all nang mga pinasok ko? Pababayaan ko nalang siyang makitungo ng mag-isa dun sa mga taong walang alam sa mga nangyayari?!

“Hindi. Ayoko.”

I saw anger in her eyes. Halatang nasasaktan siya at nagagalit. Pero pinipigilan niya ito.

“Ano kaba? Para to sa iyo, sa akin at sa kaibigan ko. Kung gusto mong maging maligaya ako, leave me alone.”

“What’s the point? What’s the point of leaving you alone Diane?” I asked.

Tama naman diba? Nag-umpisa na eh. Ano pang punto na dapat ko siyang layuan, diba? I’ve been in that situation for almost two months habang kami ni Alexa. And, when she said she loves me, pakiramdam ko, yun na yung pinakamasayang araw ko. And bakit ganito na naman ngayon?

“I don’t want our friendship to mess up! Do you get me? She’s my bestfriend.. since God knows when.. and.. I just.. i just don’t wanna lose her.” she said crying.

No, hindi ko gustong papiliin siya saming dalawa ng bestfriend niya. I know what she feels. And i don’t wanna act like a jerk here.

“Okay..” I said softly and hugged her. “If that’s what you want..”

Niyakap ko siya na parang di ko siya kayang mawala. Magtitiis ako, Diane. Magtitiis ako para sa iyo. Para sating dalawa.

“I just want you to know na hindi magbabago ang nararamdaman ko ngayon para sa iyo kahit kailan.”

She looked up to me and smiled. I wiped her tears and smiled too.

“Aja?”

“Aja!” she laughed.

Hinatid ko siya sa sakayan ng jeep. She waved at umalis narin ako para sumakay din sa jeep sa kabilang kanto. Nakita ko si Alexa na nasa Mcdonalds kumakain ng mag-isa. She looked so lost. Kaya naman nilapitan ko siya. Honestly, I really wanna talk to her about the things happening. Gusto kong sabihin sa kanya na walang kasalanan si Diane. Ako ang dapat sisihin dito. But then, I can’t help feeling sorry for her.

Lumapit ako..

“Sira na..”

con. of KAI’s POV

“Sira na..”

Napatigil ako at napatingin kay Alexa.

“Lex..”

“Ano pa bang gusto mo?” sabi niya sakin ng makaupo ako sa harapan niya. “Sira na ang pagiging magkaibigan namin ni Dice. Ano pa ba?” tanong niya sakin sa marahang pananalita.

“I did not mean to hurt any of you-“

“Hindi mo sinadya? Then anong tawag mo dun? Kung sana nagpakatotoo ka lang, sana walang nasasaktan ngayon. Kung sana nung una palang, sinabi mo nang siya ang mahal mo, sana.. sana hindi ko siya nakikitang nasasaktan ngayon. Sana.. sana yun nalang.” Dahan-dahan namang tumulo ang mga luha niya sa mata.

“I’m really sorry.” Yun nalang ang nasabi ko. “I’ve tried my best na walang masaktan sa inyo, but it’s just killing me. And this is all I could say. I’m really sorry.”

Tiningnan niya ako sa mata at kitang-kita ko ang galit at sakit.

“I just..I’m sorry.” sabi niya at tumayo. Bigla naman akong napatayo pero mabilis siyang nakalabas sa establishment. Kaya naiwan akong nakatayo dun mag-isa at pinagtitinginan ng mga tao.

Huminga ako ng malalim at umuwi narin.

______________________________________________________________

DIANE’s POV

When we parted ways, isa lang yung nasa isip ko. Magiging maayos ang lahat. One week na kaming di nag-uusap ni Kai sa school o kahit saan. Pakiramdam ko, tulad lang kami ng dati – walang pakialamanan sa isa at isa. The only difference now is that even though we act like this, I know in the back of my mind, we both feel the same way with each other.

“Earth to Diane?” tanong ng katabi kong babae sa klase.

“Hm?”

“The teacher is asking you a question.” Bulong niya sakin. Bigla naman akong napaharap kay Ms. Aguasa.

“Yes, Miss?”

She looked at me sternly.

“Diane, is there something wrong?” she asked.

“W-wala naman po.”

“You weren’t listening. It’s like your body is here, but your mind is drifting away to Pluto.” she said.

“I’m sorry. Masyado lang po kasi akong stressed these days. Lapit na po kasi yung interschool games sa soccer.”

“Okay.” she said. “Sit down then.” Umupo naman ako at ngumiti sa kanya. Nakakahiya naman yun. Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa locker ko para ibalik yung mga librong dala ko at para makauwi na kaagad.

“Can we talk?” Muntik na akong mapatalon ng makita ko si Alexa sa gilid ko leaning on the closed lockers.

“Lex-“

“Just give me.. 5 minutes.” She said and smiled softly.

“Ung.” I nodded and followed her down to the amphitheatre.

Nang makaupo kami, ni isa samin walang nagsalita. Tumingala ako sa langit habang nakikinig sa pagtibok ng puso ko. Siguro dahil nadin sa nerbyos o takot sa pwede naming mapag-usapan.

“Alex-“

“Dice-” she chuckled. “Mauuna na ako.” she said. “Dice.. alam kong when ‘you know’ came between us.. things got rough and well.. we have said enough hurtful words with each other. “

“Alexa..” I slowly smiled.

“I still hope na we can fix this.” She held my right hand and squeezed it softly. “Siguro.. hindi na tayo magiging katulad noon, pero we will still be friends right? Pareho lang tayong nasaktan and.. i just have to accept na ikaw ang pinili niya. So.. are we still cool?”

And before I could answer, tumulo na ang mga luha sa mata ko and I hugged her.

“Of course. Ikaw parin ang bestfriend ko.” I said.

“Yeah..


..humanda sila kapag may narinig pa ako tungkol sa iyo.” she smiled.

Pagkatapos naming mag-usap ni Alexa, naging okay narin ang lahat. She told me too na okay na sila ni Kai. They’re cool kasi nakapag-usap narin sila. What matters most daw is our friendship. Hindi mo lang alam kung ganu ako kasaya ngayon. Parang eto na yung mga sagot sa aking mga dasal noon. Kaya pala hindi kinuha ng Diyos ang nararamdaman ko para sa kanya, kasi meron pa palang nakalaan para samin. Ahihihi. Super duper happy ako.

FEBRUARY —– Month of Lalalala…love. 

Syempre, eto yung pinakahihintay kong buwan sa lahat simula nang naging kami ni Kai — officially. Eh kung kayo nga na matagal nang may boyfriends super excited sa buwang ito, ako pa kaya na first time kong magkaroon? Hihi. Gets niyo? I mean, inocente ako sa mga ganito kaya naeexcite ako kung anong gagawin ni Kai for me.. for us. Yung parang ganun? ^______^

“Hmm, anong gagawin mo sa 14?” Uyyy, tinatanong ako. 

“Wala naman. Siguro nasa bahay lang.” Pwera nalang kung yayayain mo ko.

“Ahhh. Ganun ba.”

“Yeeah.”

Silence. Silence. Silence.

“Dice, una na muna ako ha? May quiz pa sa Calculus eeh.” He said at tumayo from his seat.

Napaangat naman ako ng mukha at napangiti sa kanya.

“Sige. Ingat sa pag-akyat.” Sabi ko. Then he gazed at me for what seems like 10 seconds then he smiled again. Yung parang smile na may tinatagong whatever. Hay nako, yang mga ngiti niyang nakakatunaw ng puso.
“Sige, ngiti-ngiti ka lang diyan.” sabi ko at nagpout.

“Eto naman, tinitignan lang nga.”

“Hahaha. Alis na nga, baka mabagsak ka pa mamaya sa quiz mo.”

“Haha. Tama. Baka ikaw pa ang masagot ko.” Tumawa nalang ako. Then he started walking away from me. Cheesy pero nakakakilig.😄 Hayaan niyo na muna ako.

Bigla namang may bumulagang daga sa gilid ko. Si Beulah pala.

“Diiiiiicccccceeeee!! Anong plano niyo ni fafa Kai sa 14?”

“Huh? Wala naman.”

“Anong wala?!” bulalas naman ni Hanie. “Eh kung walain kita diyan?!”

“Eh wala naman talaga. He just asked me kung anong gagawin ko sa 14.”

“Eh ano sabi mo?” tanong ni Alexa.

“Wala naman. Sabi ko, sa bahay lang ako.”

“May dinugtong ka naman sa sagot mo diba?” She asked again smiling.

“Well.. yeeeee..no.”

“Wala?! Wala kang dinugtong like, ‘hmm, pwera nalang kung lalabas tayo’ or anything like, ‘pero para sa iyo, lalabas ako’. Walang ganung effect?” tanong ni  Beulah ulit.

“Wwuuuuala.” I smiled.

“Oh my goodness! Anong meron sa inyo?!”

“Uy girls, baka naman surprise iyan? You know. Yung katulad kay Brian noon na sinorpresa ako ng flowers and a dinner for two sa Enrico’s. Remember?” She looked dreamy na when she asked us.

Bigla naman siyang hinampas ni Alexa sa kamay.

“Ano ka ba, Hanie? He surprised you because you asked him to. DUH.” Sabi ni Alexa and we all laughed. Nagpout lang si Hanie.

“You bursted my bubble. Youuuu..” >(

“Haha, I’m just kidding.” Then Alexa looked at me again. “But you have to give him a gift too.”

“Huh? Gift?” O_____O

They all shook her head.

“You are one innocent girl.” They all chorused.

“Yeah, I am.” I grinned.

“Kelangan mo rin siyang bigyan ng gift.” Sabi ni Beulah. “Alam mo naman siguro gusto niya diba?”

Napatulala naman ako sa kanilang tatlo. Ano ba itong pinagsasabi nila?

“Saka na. Matagal pa naman yan eh.”

Bigla naman silang napatingin ulit sakin.

“What?”

“Anong matagal?! It’s in three days!”

“Omo.”

0__________0 I’m dead.

GIFT. GIFT. GIFT. What will I give him naman? 

——————————————————————————————–

Nung hapon na, sumabay sakin si Kai pauwi. We were walking papuntang bus station when he suddenly grabbed and held my hand. Kilig to the bones na naman ang lola niyo. Napatingin ako sa kamay namin while smiling. Siguro tometo na mukha ko ngayon. He suddenly looked at me too, stared at our hands and smiled again.

“I wish we’d be like this forever.” Sabi niya habang inangat ng konti yung kamay namin.

“Yeeaah.” I smiled.

“It really feels right.”

“Yeeaah.”

“And I love you.” He mouthed to me.

I signed a “two” sign at my fingers. It looks like a peace sign too. It means, “I love you too”. Then we laughed. Tapos ayun, sumakay na kami sa jeep and bumaba sa street papasok sa village na tinitirhan ko.

Welcome naman siya sa bahay kasi nakapunta na siya dun at nakapag-usap na sila ni Mama. Super nerbyos ako nun nang pumunta siya sa bahay. Pakiramdam ko hindi ako makahinga kasi nga takot na takot ako kay Mama. Baka sabunutan niya ako and all. Pero nung umakyat ako at nagbihis, pagbaba ko, may narinig akong mga malulutong na tawa. Aba, nagclick kaagad ang madir at si Kai ko. Hindi ko alam kung sino ang nakisabay. Si Mama ba o si Kai? Haha.😄 Si Biboy naman, remember him? Si Biboy naman kavibes din siya. May pakuya-kuya na ngang nalalaman eh. Crush ata si Kai at laging nagpapacute. NIAHAHAH. So in short, welcome na siya dito sa bahay.😄

“Good evening po Tita.”

“Good evening iho.”

“Hinatid ko lang po si Dice.”

“Good evening Ma.”

“Hello Kuya Kai.” Bati naman ni Biboy sakanya.

“Tse, alis nga dito. Nagpapacute ka naman eh.”

“Hello po Kuya Kai.” Inulit niya ulit habang nakatingin lang kay Kai. When he does that, it’s like saying, ‘tse, di kita kinakausap, si KAI ang kinakausap ko’.

“Uh, hello Biboy. Natapos mo na ba yung binigay kong game sa iyo?”

“Nasa level 7 palang po ako.”

UGH. There they go again with their PS2 games chenes.

“Ah, nga pala Kai. Dito ka na magdinner. Magdidinner na kami maya-maya.”

Bigla naman akong napatigil at napatingin kay Kai. Napatingin din saken si Kai.

“Naku, wag na po. Uuwi rin naman po ako kaagad. Baka hinahanap narin po ako samen.”

“Ay hinde! Wag hindian ang pagkain. Give me your Mom’s number and I’ll call her.”

“Uhmm.. Tita kasi..”

“Don’t be shy iho. Minsan lang naman ako nagluluto eh. Tsaka this is a new food that I’ve tried out from the recipe. See?”

“But Mom?” sabi ko habang sinisenyasan si Kai na umalis na.

“Iho?”

“Mom?”

“Uhm, sige po Tita.” He smiled and winked at me.

UGH. Okay, so my mother’s not good at the kitchen. Kaya medyo nininerbyos ako. And kung pano ako nakakakain? Hmm, nagpapadeliver lang kami sa bahay or bumibili ng cooked foods. Then, microwave microwave nalang kaagad. Baka malason nito si Kai. LOL.

“I’ll call your Mom na.”

Nilagay ni Kai yung bags namin sa sofa and umupo na kami dun sa table since kakain na raw kami sabi ni Mama while she ran to get the phone to call Kai’s mom. When she went back, she suddenly said something that made me really, really nervous.
“Bukas, ikaw naman daw punta sa bahay nila.” 

I beg your pardon?  O Did I hear what Mom just said right? Oh no!  o

Bigla akong napatingin kay Kai like asking him, ‘what the hell is she talking about?’ He just smiled and parang dun ko naisip na baka napagplanuhan na ito nilang dalawa. Oh kill me! I’d rather be dead than meet his family.

“And uh, don’t say no.” Mom said and she smiled.

Napakunot nalang ako ng kilay at napatahimik. Hala, kaloka to. Imagine, I’ll spent my dinner at their house tomorrow? I mean, ayos lang ang kumain. Pero with that, kelangan ko ring makipag-interact sa family niya. Omo, nakakatakot na talaga ito. Ayoooookkkoooo!

“Okay, let’s eat.” Mom said after the prayer and we ate.

Bigla na naman akong napatigil at napatingin sa spoon ko. Ano meron dito? Bigla ring napatigil si Kai at napatingin sa sinubo niyang spoon. He just smiled and went on eating. Wow. How could he do that? I mean, to be honest, super yuck ng food na niluto ni Mama. Parang ang super maalat na may halong katamisan na parang bitter. Hindi ko maexplain.

“Uhm.. ma?” Finally, mukang magkakaroon ng lakas si Biboy ah.

“Yeah?”

“Try eating the food you cooked.” He said and smiled.

Napatingin naman si Mama saming tatlo.

“Ugh. Okay, I think I’d better call Pizza Hut.” She said. “Agree?”

Nag-alangan pa kaming sumagot pero syempre, we have to answer.

“Yeee…ah.” I said and grinned at her. Ganun din yung ginawa ni Kai and ni Biboy. So ayun nga, Mom ran to the phone again and told us to wait nalang daw for a little more.

Nagbihis naman muna ako ng pambahay. Then we went outside, dun sa likod ng bahay kung nasan yung outside veranda ng bahay. We sat at the swing and I asked Kai about what Mom said kanina.

“Plano niyo na yun no?”

“Hindi ah.” he grinned.

Hinampas ko naman siya ng mahina and I smiled.

“Sige, sige, lokohin mo pa ako.” Sabi ko and pouted.

“Eto naman. Well, actually, di mo ba alam na magkakilala si Mama and si Mommy ko?” he said seriously.

“Ha-ha! That’s funny.” Sarcasm noted.

“Di ka naniniwala ano? Really. They’ve been college friends daw. Sabi ni Mommy sakin, naging classmate niya daw sa P.E ang mommy mo.”

“As in sa Ateneo?” I asked habang nakataas ang isang kilay.

“Yeah.” He said seriously naman.

“Ahhh, ganun ba?” Silence. “Eh pero teka, pano iyan bukas?”

“Just go with me.” He smiled. “Everything’s gonna be fine.”

“Pero-“

“Ayos lang naman si Mommy. In fact, she’s kind of excited to see you. Nakwento ko na kasi sa kanya ang mga nangyari. And yun nga, magkakilala sila ni Mama mo kaya mas naging excited siya.”

“It’s not that.” Napakagat ako ng labi at napayuko.

“Uhmm, if you’re worrying about what they will say to you, no problem. They’ll like you as much as I do.” He said again smiling.

I know Kai’s just trying to make me feel better. Pero hindi ko alam kung bakit nininerbyos talaga ako. It’s as if natatakot nga talaga sa mga pwede nilang masabi tungkol sa akin.

“Ayos ba?”

“Uhm.” Napatango nalang ako at napangiti sa kanya.

“Buti naman.” He smiled again.

Friday  —  Day of DOOM for ME.

Ayokong bumangon. Ayokong bumangon. May sakit ako. May sakit ako. Masakit ang ulo ko. Kaya di ako pupunta ng school. Masakit ang ulo ko. Masakit ang ulo ko. Ayokong pumunta ng school. Ayokong pumunta sa bahay nila.

“Ate gising na! Malilate ka na sa school.” Sabi ni Biboy sakin.

“Sjdskjsdkajdjdka..ayoko…skdjsdkjskdsoee.”

“Anong Sjdskjsdkajdjdka? Earth language please.”

“Ayokong.. pumasok, gets?”

“Oh come on!” bigla siyang tumakbo sa ibaba and I heard my Mom knocking on my door.

Yey! Si Mama na talaga ang umakyat sa kwarto ko. Oh great Biboy dearie.

“Anong drama na naman yan Dice?”

“Maaa.. masakit ang ulo ko.” I said and closed my eyes.

“Tse! Wag mo nga akong dramahan ng ganyan. Bangon na.” Sabi niya and kinuha niya ang kumot sa katawan ko and kinaladkad, mind it, kinaladkad papuntang bathrooom. Oh great. May takas pa ba ako?

Kaya ayun, without any choice, I turned the faucet on and super lamig ng tubig. Haayyss, mukhang haharap nga talaga ako ngayon sa Mommy at sa pamilya niya. Oh great.

Nang dumating ako sa school, I saw him leaning sa gilid ng gate and smiled when he saw me na dumating.

“Ma, baka magab-“

“I know. Take your time down there. Be polite. Act smart and witty. Tsaka wag mawawalan ng poise.” Sabi nia and kissed me. “Ingat ha?” Then she drove away.

Ooookaay? I don’t get it. Maloloka na ako.

“Hey, ready ka na mamaya? Namumuti ka ah?” He said then laughed.

“Ha-ha. Aiiissh. Pede sa susunod nalang? Masakit ang ulo ko e.”

“Come on, ayos lang yan no. No worries. They’ll like you.”

Huminga nalang ako ng malalim and dumiretso sa class ko. Whole morning di ko siya pinapansin pero ayun, tabi parin saken ng tabi. Super tanong naman yung mga friends ko kung anong meron saming dalawa, baka may LQ daw. Hayyy nako no. Kakaloka talaga ito.

Nung hapon na, uwi na sana kaagad ako para di ako makapunta sa bahay nila, pero nung paglabas ko, bigla ko naman siyang nakita sa labas ng gate. Aiissh, eh yun pala hinihintay ako.

“A-akala ko mamaya pa uwian niyo?”

“Economics. Tinatamad ang teacher. Dismiss kami ng mas maaga. Lagi naman eh. Tsaka alam kong tatakas ka.” He winked and smiled. “Tara.” He grabbed my hand and ayun nga, I have no choice but to go with him – whether I like it or not.

Hinga ako ng hinga ng malalim every second siguro. Tense na tense talaga ako e. Sobrang nakakanerbyos. Pano pala kung di ako nila magustuhan? Pano pala kung.. aiiish, nakakanerbyos talaga.

“Lopez lang!” sigaw niya and huminto naman yung jeep. Naglakad nalang kaagad kami papasok sa village at papunta sa bahay nila since malapit lang naman daw. Whole ride sa jeep at sa paglalakad, never niyang binitiwan ang kamay ko. Ayee, kilig na naman ako. Ahihihi.

Then he stopped sa malaking puti na bahay. And when I say malaki — malaki talaga. Yung parang pang-artista. Parang maids’ quarters lang yung bahay namin compare sa kanila ah. Haneeep. Hindi ko alam na ganito sila kayaman.

“A-a-ang yaman niyo.” o

“Hindi ah.” sabi niya at napakamot sa ulo. “Tara, pasok tayo.” He rang the doorbell and biglang nag-open yung gate. Waw, automatic?    $__________$

When we got in their house, mas napanganga ako. Super ganda talaga. Pang Marimar yung dating ng bahay. Drug lord ba Daddy ni Kai?😄

“Mom, andito na kami!” he called out. May bumaba naman kaagad sa stairs na mukhang donya. And guess who? His mom. Shoot. Ano ba itong napasukan ko? O_______O

“Oh hi Diane.” She said and kissed me on the cheeks.

“Good afternoon po Tita.” I smiled sweetly.

“Oh, Tita ka diyan. Call me Mommy nalang.” Ngumiti naman si Kai and napangiti narin ako.

“Hahaha. Mommy.” I corrected myself and chuckled a bit more.

“O tara, dun tayo sa likod.” Kinuha ni Kai yung bag ko and nilagay sa study room ata nila. Then he went with me and his mom sa likod and there. Napatigil ako. Ang daming tao. Hindi niya lang ata family yun. Ang dami pang iba.

O______O

“They’re Kai’s cousins. Actually, dearie, may reunion kami. But I know you wouldn’t come kung sasabihin naming may reunion kami, so I told Kai to tell you nalang na may small dinner lang and we want you to be with us.”

Napatingin naman ako kay Kai with a you’re-gonna-die-tomorrow look. Nagkibit balikat lang siya and ngumiti.

“Dearies! Meet our visitor! This is my son’s beautiful girlfriend.” She said and napatingin yung lahat sakin. I just smiled and napayuko ako sa kanila.

“Good evening po.” I said. They smiled naman to me and yung iba parang napatingin kay Kai.

Tapos ayun, bonding bonding na kaagad sa mga cousins niya. Okay naman yung family niya, walang masyadong tanong. Parang happy happy lang talaga. Meron din siyang mga cousins na kaedad namin, so parang nakakasabay kahit papano. Then nung late na, naiwan ako sa table dun sa likod kasi may ginawa ata yung mga cousins niya sa loob. Then he sat beside me and smiled.

“What’s with the smile?”

“See? Okay naman diba?”

“Yeah, okay naman.” I smiled to him.

“You know what, they like you.”

“Hahaha. I just hope so.”

“But really, they like you.”

“Kung ganun nga, salamat naman.”

“Then.. wala ka nang rason.”

“Rason?”

“Para di tayo ang magkatuluyan sa susunod.”

DICE –> 

Napatigil ako at napatingin sa kanya. Ngumiti lang naman siya and I was like, oookkaay? Totohanan na ba talaga ito?

“I mean..”

“I exactly know what you mean.” I smiled and napahinga ng malalim.

Tumawa nalang kaagad kami.😄 Nakakahiya na to pero kilig to the bones. Eto na talaga yung mga kabayaran sa mga pasakit saken noon. Haha.

After nun, wala paring imik si Kai about sa Valentine’s day. As in parang wala lang talaga sa kanya. Pinapabayaan ko nalang kasi I’m also busy looking for a gift para sa kanya.

And right now, I’m in the mall with Beulah and Mechelle. May bibilihin daw kasing bagay si Mechelle for her boyfriend and si Beulah naman, she’s just tagging along with me. ^____^ Pero dahil nga andito narin lang ako sa mall, maghahanap-hanap narin ako ng pwedeng maibigay kay Kai ko.❤

Then ayun nga, mga tatlong oras na kaming naglilibot-libot dun sa SM, wala parin akong nakikita. Then pumasok ako sa Toy Kingdom. Wala lang, feel ko lang na pumasok. Wag nang umepal.

Tapos mga 15 minutes more na paglilibot dun and finally!

Eto na lang nga talaga siguro. Di naman cheap, tsaka parang may sentimental “meaning” talaga for me and for him. Diba?😄 Kung ano ito, surprise nalang. Bleh.

“O, nakakita ka na ba?” tanong sakin ni Beulah.

“Yeeah, meron na.”

“Patingin nga.”

“Hindi, sa susunod nalang.” Sabi ko at tinago sa bag ko yung binili ko for him.

“Sus, ang daya nito.” Sabi kaagad ni Mechelle.

_______________________________________________________________________________

And finally… Valentine’s day. Friday – February 14, 2008.

Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Parang excited ako na parang nahihiya na parang wala lang. I mean, excited kasi nga Valentine’s Day, parang eto palang yung Valentine’s na may silbi for me. Nahihiya kasi may ibibigay ako sa kanya, and bakit parang ako lang yung namumroblema sa araw na to para sa kanya? And third, parang wala lang — pinipilit ang sariling iconvince na wala lang etong araw na to. Like, okay lang kung may mangyari, okay lang din kung wala. Parang ganun. Getchie getch?

So ayun nga, I woke up early in the morning — I don’t even know why. Ayun, naligo and may napansin ako kaninang umaga. I applied powder to my face and tint to my cheeks and some lipgloss at my lips. Those are things na di ko ginagawa before. Siguro, iba talaga pag inlove. BLOOMING daw ika nga.

“Happy Valentine’s anak.” Sabi ni Mama saken.

“Likewise.” I smiled sweetly.

“Wait – do I see powder, tint and a gloss at your face?”

“Yeah.” Napatawa naman siya saken. “What? I’m a junior highschool. Buti nga, eto lang nilalagay ko. Eh yung iba diyan may mga liquid eyeliner pa at-“

“Yeah I know. Iba nga naman talaga pag may pinapagandahan.” She said and laughed.

Tse. Eh ano naman ngayon kung meron nga? O_______O Nung dumating ako sa school, aba, ang mga kaklase kong girls kanya-kanyang dala ng mga bulaklak, siguro galing sa mga boyfriends nila. Aba, mga sosyal. Eh ako kaya? 

“Diiiicceee! Look o, I received a flower.” Sabi ni Beulah saken.

“Waw! Teka, kelan ka pa nagkaroon ng boyfriend?” I asked in surprise.

“Loka! Bakit, ang mga may boyfriend lang ba ang may karapatang makatanggap ng flowers?” Aba, at nagtaray.

“Hindi. Wala naman akong sinabing ganun ah. So you mean, it’s from “someone”? I teased her. “Uuuuyyyy.”  ;]

“It’s not from “someone”. It’s from “stalker”. Hahaha!” Tumawa naman si Alexa sa likod namen and napangiti ako sa kanya. “I received something din. Here o.”

Wooooowww! Ang ganda ng flowers na binigay sa kanya. Ano ba to, ang aga-aga pa lang, sandamak na ang binibigyan ng flowers. Tapos ako, wala. Ang weird ata ah. Siguro di lang talaga ganun ka “corny” si Kai. Siguro, di niya gusto itong mga bulaklak effect nato.

“From sino naman yan?” I asked excitedly.

Lumapit si Alexa samen ni Beulah and whispered some name.

“Gilvard.” She said and smiled.

Omo, Gilvard from Lasalle? As in from Lasalle na si Gilvard? As in yung Captain ng basketball team nila? Omo. Taray ang lola nateeen.

Bigla kaming napatakip ng bunganga ni Beulah — at napasigaw kaming tatlo sa harapan ng mga lockers namen.

“Waaaaaahhhhh!! Ang sssswwwwweeeeerrrrrteeeee moooooo!!” talon ng talon kaming tatlo dun, mukha kaming mga lelang.

“Eh teka nga pala, ikaw Dice?” tanong saken bigla ni Kyla na nasa gilid namen.

“Ay, hello Kyla. Happy valentine’s day.” I greeted her.

“Nabigyan ka na ba ni Kai?” Napatahimik kaming tatlo at napatingin sila saken.

“Well, kakarating ko pa lang, so hindi ko pa alam. And okay lang naman kung wala siyang ibibigay eh. It’s really alright with me.” I said and smiled at them.

Anong okay ka diyan Dice? Kunwari ka pa. Hindi talaga yun okay.

So ayun nga, after ng locker incident, dumiretso na kami sa room and I couldn’t find Kai anywhere. Nung recess time naman, wala rin siya — o di siya sumabay saken kasi usually hinihintay niya ako sa stairs. Tapos nakakainggit pa yung iba kong magagandang classmates kasi nga ang dami-daming gifts na dumadating sa room for them. Yung kay Dinvie, nakakalimang teddy bear na siya, isa sa boyfriend niya, apat sa mga nagkakagusto sa kanya. Si Leah naman, may anim nang boxes of chocolates at puro imported pa yun. Si Alexa, okay na yung bulaklak from Gilvard — kumbaga sa mga babae dito sa class or rather sa school, kahit wala nang mga chocolates and teddy bear, basta may flower from Gilvard, kumpleto na ang Valentine’s. I guess my friend deserves someone like him.

Tapos nung hapon na, pauwi na ako, tinanong ko pa si Kyla kung pumasok si Kai, pero sabi niya hindi. Baka tinamad daw o baka nahihiya kasi walang maibigay saken? Ambabaw naman nun. >.<

Maaga akong umuwi since may mga date yung iba. Eh ako naman, dahil nga absent itong partner ko, dumiretso nalang ako sa bahay. Pero habang naglalakad ako sa gilid ng school namen papunta sa bus station, someone held my hand.

As in. And that someone is HIM. <33

“San ka nanggaling? Don’t tell me nagcutting class ka?” 

“Hinde ah.” He smiled. “Andun lang kaya ako sa room.”  )

“Eh bakit sabi ni Kyla absent ka daw?”

“Haha! Kinuntsaba ko lang yun. Anyway, tara.” He held my hand and bumalik kami sa school. Hinila niya ako papunta sa isang lugar na super familiar saken.

SOCCER FIELD.

We stood there sa entrance ng soccer stadium at napatingin lang ako sa kanya. Actually, 5 pm na ako lumabas ng school, and bumalik kami mga around 5:30 pm  so medyo madilim na ng pumasok kami sa stadium. Ang ganda pala dito pag gabi. First time ko kasing nakapasok dito na gabi. I mean, nakikita ko na pinapailaw ang malalaking lights, pero hanggang sa labas lang yun. Never pa talaga akong nakapasok dito.

I looked at him and smiled.

“Soccer field.” I whispered habang nakangiti.

“Yeah. Actually, isa ito sa mga pinakapaborito kong lugar.” He smiled na parang nahihiya pa.

“Me too.” Napasinghap ako ng hangin and I let my bag dropped at the ground. Then tumakbo ako sa gitna. Kinuha niya naman yung bola sa gilid ng entrance and ayun nga, kahit nakauniform ako, we played soccer. It was just all fun.

Then nung medyo napagod na kami, we decided to sit down. I sat beside him and siya naman parang naglean pero ginamit niya yung dalawa niyang kamay to support his body from not falling to the ground.

“You know what, I once started hanging out with a girl from the soccer team because of her best friend.” Sabi niya habang nakatingin sa field. Napatingin naman ako sa kanya. “Akala ko, gustong-gusto ko talaga ang kaibigan niya. Pero, everytime na magkasama kami and whenever na nag-uusap kami tungkol sa mga gusto ng kaibigan niya, hindi ko mapigilan ang sarili kong tanungin kung ano ang mga gusto niya.” He paused. Napatahimik lang ako. “Sabi niya, wala raw siyang gustong lalaki, meron daw, pero.. imposible namang magkagusto sa kanya. Naisip ko noon, napakatanga ng lalaking yun na di siya magustuhan.” Bigla akong napangiti. “Sinubukan kong ireto siya sa mga kaibigan kong lalaki, pero kapag naiisip ko palang na kakausapin siya at skaaling bigyan niya ito ng pansin, parang gusto ko nang basagin ang mukha ng mga lalaking yun.” He chuckled softly. “Ang weird no?” He looked at me. “Siguro ganun kita ka gusto or rather.. ganun kita kamahal.”

Napatingin ako sa kanya at napayuko. 

“Siguro nga.” I smiled and looked at him. “Ay nga pala, I have a gift for you.” He then smiled and napahalungkat naman ako sa bag ko. “Here.” I said and handed him out the gift. “Hindi ko na pala nabalot kasi marami akong ginawa kagabi.” I smiled.

He looked at the gift and chuckled. “Tayo ba to?” 

“H-huh?” 

“Ako ba to? Tapos.. ikaw naman to?” 

“You can say that.”  P

“Hahaha!” 

“Aiissh. Tawanan ba naman? Ang sama mo.”   

“No, I really like it.” He smiled then looked at me again. “Really.” He said in a low serious voice and I super like it when he does that.

Simple lang naman yung binigay ko, keychain. Isang girl and boy. Yung boy may soccer ball sa paa and yung girl naman may umbrella na hawak. So parang ako talaga and siya. Gets? ))

“Nga pala, I also have something for you.” Bigla naman akong napatingin sa kanya. Aba talaga?

Suddenly, may binuksan siyang box at napanganga talaga ako. Hindi ito ring. He stood up and pumunta sa likod ko. He put the silver necklace at my neck.

He then smiled again. “Happy valentine’s.” I looked at him and it’s like ito na nga talaga ang hinihingi ko sa Diyos. Bigla namang kumulog and before we knew it, bumagsak ang malakas na ulan.
…and we kissed..
….under the rain.

After the thing that had happened nung Valentine’s. Pakiramdam ko, tuwing kasama ko siya, parang gusto ko nalang siya halikan buong araw.  P It feels like I’m always on Cloud 9. Laging nakangiti at laging nakatulala. This isn’t healthy already. Pero halata na talagang blooming na blooming ako.  )

Pero before I knew it, MARCH na. And alam niyo naman akung anong meron tuwing March diba? For the people na walang idea kung anong meron sa March, well, let me explain it to you. Ito ang mga kinatatakutang buwan ng mga may boyfriend/girlfriend sa senior year level. Siguro naman gets niyo na? Pero kung hindi parin, let’s go straight to the point: HE’S GOING TO GRADUATE, GO TO COLLEGE AND IIWAN AKO DITO SA SCHOOL NA TO NG MAG-ISA AT THERE’S A BIG POSSIBILITY NA PWEDE SIYANG MAKAKITA NG IBA.

Ngayon, gets mo na?  (

And yes, super takot ako sa buwan na ito. If I can only stop the coming days, gagawin ko talaga. Kaya naman, lagi na naman akong nasa chapel para magdasal kay Lord kung ano ba talaga ang gusto Niyang mangyari sa aming dalawa. Some say, pakawalan ko na lang muna and let him decide after a year, and others naman nagsasabi, just be with him and grab the opportunity. Pero honestly? I’m more on the first one.

Ika nga sa awit, “..my friends keep telling me, that if you really love him, set him free. and when he comes back in time, I know he’s mine. but tell me where do i start, coz it’s breaking my heart, don’t wanna let him go..” Wahahaha. Hanggang sa time lang sana iyan, nadala lang ako. Soorrry. Sorry. Hahaha.

So ayun nga. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kaya naman when I went home at nung gabing yun, I opened my Bible. Bago ako nagbasa, I prayed muna to the Lord and asked Him to give me answers about my dilemma. And when I opened it, dang. I Corinthians 13:4. “Love is patient; love is kind.”

Take note. Love is patient. LOVE IS PATIENT. Does that mean that I should let go of him first? Wait for him… and believe that LOVE IS PATIENT?  =| I believe in God.

Nung gabing yun, pinag-isipan ko talaga yun ng mabuti and I came to a realization that Love is truly patient.

“Uyyy.. gagraduate na siya.” Tukso ko sa kanya.

“Oo nga eh. Di na kita makikita lagi.”

Napatingin ako sa kanya at napangiti.

“Uhmm.. Kai..”

“Hm?” He smiled and natunaw na naman ang puso ko.

“Hmm.. ano na ang mangyayari satin if ever magiging busy ka sa college life mo? If ever na.. di na tayo masyadong magkikita at magkasama? If ever na..” Napahinga ako ng malalim at napatingin sa langit.

“If ever na?”

“If ever.. na may makita kang iba?”  |

“Makikitang iba?”  He suddenly laughed. “Hindi iyan mangyayari. Bakit pa ako maghahanap if I know the world’s best girl is just right beside me?”

“Tse. Mukha ka nang keso de bola.  Eh bakit noon di mo nakita iyan? I was just beside you always.” Tampo effect.

“Dicee naman eh. Ika nga, ‘what is essential is invisible to the eye’. Para kang 3d noon. I was just looking at the upper part of the picture. I didn’t look deeper kaya di kita kaagad nakita. But when I did, I knew then I wouldn’t let go of you. Unless, kung maririnig ko mismo sa iyo na ayaw mo na sakeen.”  )

Bigla naman akong napatahimik at nagdalawang isip about sa proposal ko sa kanya. Siguro next time nalang yun. Wag ko na munang sirain yung maganda nameeng usapan. Hahaha. Kilig to the max na naman ako eh.

“Talaga?” 

“Talaga.” He then pinched my cheek and smiled again. “Dami mong drama.”

“Hahaha. Nagpapacute lang ako.”

“Kailangan pa ba yun? Cute ka na eh.”

“Hahahaha. I second the motion.” 

“Dice.. I love you.” He whispered and sooper napangiti na naman ako.

“I love you too.”  =)

Then he squeezed my right hand. Napangiti na naman ako.

At may isang panira ng moment ang tumunog.

*Riiiiiiiiiinnnnnnngggggg. *RIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGG.

I looked at him and he searched for his phone sa pockets niya. When he looked at the screen, biglang kumunot ang kilay niya and looked at it intently. I tried to usyuso kung sino ang tumawag, pero di ko makita ng mabuti. He looked at me as if asking kung ayos lang bang sagutin ko ang phone.

I nodded. He excused himself.
Sino kaya yun?  =(

Napatingin lang ako sa nakatalikod na Kai. Hindi ko alam pero parang may problema. There’s something wrong with that call. After 48 years (OA), bumalik na siya ng may bakas na galit at lungkot sa mga mata. Kaya bigla naman akong nag-alala.

“Ayos ka lang ba?”

“Ayos lang ako. Sorry.” He smiled.

“Ayos daw. Kunwari ka pa.” I teased him. “Sino yun?”

Tumahimik siya sandali. Then napayuko.

“Si Dad.”

“Anong problema?”

“Wala. He just asked me kung kelan daw yung graduation. Yun lang naman.”

“Ows? Eh bakit ganyan mukha mo?”

“Wala lang.”

“Okay then.” I smiled at him and held his hand. “Basta, if you have some problems, feel free to share it to me, ha? Okay?” I smiled sweetly.

He looked at me.

“Okay.”

“Promise?”

“Promise.” He smiled.

***It’s been two weeks since we last talked about his dad. Graduation niya na sa Wednesday. Two days more. and he’ll be gone from his high school days. He’ll be gone from his high school sweetheart. He’ll be gone.

And right now, we’re spending together his last two days at the school. :] Soccer field.

He gazed upon me as if I’m the only girl in the world.

“Don’t look at me like that.” I said blushing.

“Bakit naman? Can’t I gaze upon my girl’s beautiful face?”

“Sus. Nambola pa. Keso de bola ka na o.” We laughed. Pero bigla siyang tumahimik at tiningnan ulit ako.

“We’ll always be together, right?” He asked.

“Yeah.” I smiled.

“Hanggang sa pagtanda?”

“Oo naman.” :]

“Promise?”

“Promise.” I smiled again.

Silence.
I knew then there’s something wrong. Pero ewan ko ba at di ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong. (

After ng graduation, I went to his graduation party sa bahay nila. Dang it. Sobrang saya. Andun ang lahat. Lahat ng classmates niya, lahat ng friends namin, si Kyla, si Alexa, lahat-lahat na. ) Sobrang saya talaga. Nung mga around 10 pm na, I went to look for Kai kasi ibibigay ko na sa kanya yung graduation gift ko for him.

I was surprised when I saw him talking to Alexa sa swing dun banda sa kabilang side ng house nila. T__T Hindi ko alam, pero parang nagselos ako bigla. Hindi ko naman sila sinugod, pinabayaan ko nalang at umupo dun sa sala kasama sina Matthew.

At dahil nabored narin sina Matthew at nagsidatingan na yung mga gerlpren nila, naiwan ako sa salang mag-isa at dumiretso sila sa likod ng house, dun sa pool, dahil nandun ang main action. :]

Nabigla naman ako ng umupo si bestfriend Alexa sa gilid ko. She then held my hand and smiled softly to me.

“May problema ba?” I asked her.

“Hindi mo ba siya mamimiss?”

“Huh?” I laughed. “Si Kai ba? Okay lang naman. Magkikita pa naman kami..I’m sure in between classes. Hindi na araw-araw, pero okay narin yun.” I said smiling.

“No. I mean..” bigla siyang napatigil at napaisip. “Teka, hindi mo pa ba alam?”

“Huh? Alam ang ano?” T_T

“Dicey. Alam mo ba kung anong party itong napuntahan mo?”

“What do you mean? Graduation party, right?” Teka, what is she talking about?

“Oh shoot. You really don’t have an idea, do you? How could he..” She looked worried and irritated already.

“Teka, what do you mean ba? Anong ‘how could he.’ na iyan?” Nalilito narin ako sa mga pinagsasabi ni Alexa.

“W-wala.”

“Alexa? Tell me about it. Ano ba talaga ang nangyayari?”

“I don’t know if this is the rightest thing to do. But I heard he’s leaving for L.A next week.” Nang sinabi yun ni Alexa, pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at lupa.

“No. No. Hindee, you’re kidding, diba? He can’t do that. He won’t do that. He just can’t.” Tumutulo na yung luha ko nang mga oras na iyon.

“At first, I thought it was just a joke. But I asked him about it kanina.”

I covered my mouth.

“How could he..”

“Dice.. just hear his side first before boiling out.” She said and held my hand.

Hear his side?! He has all the time in the world to tell me about it, pero never niyang inopen iyan saken! Kahit clue, wala siyang pinakita! And malalaman ko pa sa bestfriend kong EX niya?! Bakit ganun?!

I stood up and umalis ng bahay nila. I heard him shout my name pero di na ako humarap sa kanya. He then caught my right arm.

“Ba’t ka nalang umalis?” he asked.

Napayuko ako. Nakakainis. Naiinis ako.

(Only One of Yellowcard Playing)

“Bakit hindi mo sinabi?” He looked at me and parang nagets niya rin yung itinatanong ko. “It’s true then.” Huminga ako ng malalim. “Gosh. Bakit hindi mo man lang sinabi saken?” (

“I was. I was planning to. It’s just that.. natatakot ako.”

“Takot? Come on. Alam mo kung gaano kasakit to? Kai.. for the second time, you’re leaving me.” I cant seem to breathe. I cant seem to see him. “And it really hurts. And you know what hurst most?”

“Dice.. just-”

“Nalaman ko pa from Alexa. I knew it from your ex. Bakit sa kanya? Bakit hindi galing sa iyo?!” Sobrang naiinist ako at nasasaktan. And then I remembered the gift. “Oh, here.” I gave him the gift and walked away.

Suddenly, someone hugged me from the back.

“I’m sorry. I’m really sorry.” He hugged me so tight like he’ll never let go of me.

“I’m sorry?” Napaiyak na naman ako. I got his arms out of my body and started to walk away again. And he just stood there… crying.

“Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Dice. Even though I’m leaving, ikaw parin ang mamahalin ko.”

Napatigil ako sa paglalakad. Gusto kong lumingon, but because of my hurt pride, hindi ako lumingon, instead I walked faster… leaving him behind.. crying.

And the rain started to fall from the clear sky. =(

Letting go is never easy. But are we letting go of each other already? Or the question is, should I let go of him already? It’s been three days since the “fight”.

Napaiyak na naman ako. Just the mere thought of not seeing him again makes me cry, makes my heart ache again. Bakit kelangan mangyari samen to? Bakit kelangan niyang pumunta ng LA? Ano ba ang meron dun?! Aish. Naiinis ako. Wag ka ngang umiyak Dice. Para kang ewan. Tsk.

Lord… why do I have to go through this? Bakit ganito? Diba masaya na kami? Dba okay na ang lahat? Pero bakit ganito na naman? The first time he left me was when naging sila ni Alexa. Tapos ngayon… Lord… please naman…

“Dice..” Si Kyla. “I heard what happened. Was that really true?”

“Classmate ka niya diba? Eh bakit di mo iyan alam?” I answered her sarcastically nung nagkita kami sa school.

She was puzzled by my reaction for a moment. Pero ewan ko ba, it’s like I want to apologize sa sinabi ko pero at the same time, ayoko rin kasi pinagmukha akong tanga. Alam na ng lahat… tapos ako na girlfriend niya, walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

“Hahaha. I won’t ask you naman kung alam ko eh.” She said laughing.

“Eh diba alam mo lahat?” I said and went away. Siguro nainis na rin si Kyla saken,  kaya naman she grabbed me by my left arm nung palabas na ako ng gate.

“Alam mo anong problema sa iyo? Yang pride mo! Akala ko pa naman palaban ka. Akala ko pa naman mahal mo siya. Edi sana kung ganito lang naman, di na kita tinulungang magdasal noon.” She said.

“Oo nga noh! Sana hindi mo nalang ako tinulungang magdasal noon. Kasi aalis rin naman siya. At anong mangyayari saken? Maiiwan dito ng mag-isa til God knows when?! At kapag bumalik siya, super excited ako, may kasama na siyang iba at mas lalo akong mapapasama dahil sa sobrang sakit na mararamdaman ko!”

“Ang kitid ng utak mo Diane! Anong nangyayari sa iyo?! You’re not the Dice I once knew. Ibang-iba ka sa dating Dice na iyon. Ang Dice na willing maghintay, ang Dice na hindi takot sa pag-ibig at hindi takot kung iwanan man siya ng taong mahal niya dahil may tiwala siya sa Diyos na He’ll lead this man back to her. Sino ka?” / She asked me.

Bigla akong napaiyak.

“Mukha lang akong matapang sa labas Kyla. Pero sumusuko na ako sa loob. Ayoko siyang umalis. Natatakot ako Kyla. Ayoko.” She then hugged me.

“He’ll go.. pero alam mo namang he’ll be there diba?” Tinuro niya ang puso ko and ngumiti. I smiled back and sabay na kaming umuwi. “Kaya naman, kesa mainis ka diyan at magalit, spend more time with him. Ikaw din..”

Oo, may point si Kyla.

“Pumunta dito si Kai kanina.” Sabi ni Mama nung dumating ako sa bahay.

“Ano daw sabi?”

“He just asked me kung nandito ka. I told him, lumabas ka, pero hindi ko alam kung saan kaya hindi ko nasabi sa kanya.”

“You didn’t tell me na aalis na pala siya ngayon papuntang LA.” Sabi ni Mama habang nakatingin saken.

Nabigla naman ako sa sinabi niya. Huh? Aalis? O Ngayon? O Akala ko ba next week pa? o

“Ngayon?” O

“Oo. He kissed me nga kanina and nagpasalamat siya. Actually, hiningi niya na saken ang kamay mo. He promised me na pagbalik niya, pakakasalan ka niya.”

“H-hinde.. hindi..” O Bigla akong napatakbo sa labas at pumara ng taxi. Didiretso sana ako sa village nila, pero naisipan kong sa airport nalang. Lanya. Bakit di niya man lang ako sinabihan? Bakit wala lang man nagsabi saken nito?!

Iyak na ako ng iyak sa loob ng taxi. Traffic pa. Gaaa.  Lord… pakiusap naman, last nalang talaga to. Sana naman magkita pa kami. Please…

After 567 years, nakarating din ako ng airport, todo baba ako at full force na kumaripas ng takbo papuntang counter area para magtanong kung nakaalis na ba yung flight nila. Basang-basa na yung mata ko ng luha at pawis.

“Miss… yung flight ba sa L.A lumipad na?”

“Are you a passenger po ba Ma’am?”

“H-hinde. Yung flight ba sa L.A lumipad na?”

“Last call po kanina. And ngayon po..” tumingin siya sa computer screen niya. “..it’s taking off.”

“Huh?! O Hindi mo ba pwedeng patigilin muna iyon?! Sandali lang talaga. Nandun si ano eh… nandun si Kai..” Todo iyak na talaga ako.

“I’m sorry Ma’am. Pero we can’t do that.”

“Misss… miss naman eh. Misss…” Hindi ko na makita ang babae sa counter sa sobrang dami ng luha ko sa mata. At hindi ko na rin alam ang mga sumunod na nangyari.

***
It’s been 3 years and I’ve moved on. The first year was really hard. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. I was crying every night. Ni ayaw kong lumabas sa bahay. Gusto ko sa kwarto lang ako nakatingin sa mga bagay na ibinigay niya. I was always online and checking up my FS, Multiply, Email kasi baka he messaged me or something like that. Pero wala eh. Hanggang ngayon, wala akong nakikitang KAI sa emails ko, sa YM ko, sa Multi ko nor sa Fs ko. Honestly, it still hurts kasi parang he didn’t find any means to contact me. Siguro nga, wala na akong dapat asahan.
Dalawang taon na akong masaya. Isang taon na ring may boyfriend. Ang saya diba?

“Ingat ha?”

“Sus, papasok na nga lang ako ng bahay, may paingat-ingat ka pa.”

“Oo naman, baka mapano ka diyan eh.” Tumawa lang kaming dalawa at bumaba ako ng kotse ni Jhai.

I just waved goodbye and umalis na siya ng nakapasok na ako ng bahay. Sinalubong naman ako ni Mama.

“Good evening Ma. Di na pumasok si Jhai. May pupuntahan pa daw eh.” Nakatayo lang dun si Mama sa harap ko kaya napatanong ako sa kanya. “May problema ba Mom?”

“May bisita ka.” She said and humarap dun sa balcony sa likod.

“Ah.. ganun ba. Sige. Salamat.” Dumiretso ako sa likod ng bahay, dun sa may swing at ewan ko, bigla nalang lumakas yung kabog ng dibdib ko. Bigla akong napatigil sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko. “Pakiramdam ko si Jena to. May kasalanan ako sa kanya kaya mabilis at malakas ang tugudog ng dibdib ko.” I laughed to myself.

Tumakbo ako sa likod.

“Jennaaaaaa! Pasensya na kasi-” Pero bigla akong napatigil ng may nakita akong lalaking nakatayo dun sa gilid ng swing.. and dang.. the smell. O

“Kilala ko ang amoy na ito..” ( I whispered to myself. Napatakip ako ng bunganga ko at napapikit ng mata. “Please Lord.. hindi ito si-” o

“Dice..” Shoot. Sabi na nga ba eh. I opened my eyes and looked at him. He smiled. “Kumusta na?” )

Gosh. Kumusta? Aish. Nakakainis. After 3 years without calling me, nagagawa niya pang ngumiti saken at magtanong ng kumusta? Aiiisssh.

“I’m fine.” I laughed quietly. “It’s weird. I mean.. its been 3 years..and it’s kind of surprising that you’re here. Kelan ka pa dumating?”

“Yeah.” He answered softly. “Well, actually kanina lang. You’re the first one that I went directly into.” He smiled.

He’s changed.. physically. He looked more matured already. His body built-up, his face, mas tumangkad narin siya. I can’t even look my eyes away from his very face. It felt like gusto kong umiyak at yakapin siya na parang gusto ko siyang sipain palabas ng bahay namin. Ang weird. Dude, 3 years kang nawala, ni hindi ka nagpaalam saken, ni hindi mo ako kinontact, nawala ka nalang na parang bula. Tapos babalik ka?!

“Wow.” I laughed awkwardly. “This is weird. So, ikaw? Kumusta ka na? 3 years ka ring nawala, wala akong news tungkol sa iyo. Nakakabigla kasi.. Hahaha. Alam mo yun..hehe.” Sobrang awkward na talaga.

“Yeah. I’m fine, I think.” Yumuko siya sandali at tumingin ulit saken.

“Ahhh.. kanina ka pa ba dito? Uhhmm.. pasens-“

Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“Hmm.. nag-uusap na tayo..”

“I mean.. wag dito.. anywhere na-“

“Tara.” Lumabas ako ng bahay at sumunod naman siya. We walked through the streets na sobrang tahimik sa isa’t-isa. Ayoko munang magsalita dahil baka ano lang ang masabi ko at mapaiyak ako.

“A-anong pag-uusapan natin?” I asked habang naglalakad kami. He stopped and faced me.

“Alam kong galit ka.” I looked at him. “Alam kong nasaktan kita. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. I never said goodbye and before ako umalis, we were still in a fight. I never tried to fix it before leaving. Ni hindi rin ako nagparamdam sa iyo for 3 years straight. And bigla nalang akong babalik dito at magpapakita sa iyo? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo Dice. I’m sorry. I’m really sorry.” He was crying. And I was crying. We were both crying.

“But after all.. I still love you. I still do.”

“Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit hindi mo ako kinontact? Why didn’t you reach out to me? Bakit pinaramdam mo sakin na wala na talaga? Alam mo ba kung gano kahirap yun?” I cried really hard.

“Dahil takot ako. Dahil-“

“Ganyan ka naman lagi eh! Takot ka! Takot kang masaktan ako! At sa takot mong yun na masaktan ako, hindi mo alam nasasaktan na ako!”

“Dice-“

“Go back to LA. Hindi na kita kailangan dito! Hindi ko na kailangan ang isang Kai sa buhay ko.” I ran but he caught my left arm.

“One thing.. mahal mo parin ba ako?”

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

“Dice.. do you still love me?” That voice. That low serious cold voice of Kai. Yan ang tonong ng pananalita niya na nagpapatigil ng mundo ko noon and up to now. “Dice-“

“Hindi. May boyfriend na ako. At mahal ko siya. He’s the one who’s always there for me na dapat ikaw. Pinuno niya ang lahat ng pagkukulang mo Kai. And I couldn’t thank him enough for that. Jhai helped me moved on from what happened. At mahal ko siya.”

“You’re lying..” He said with disbelief in his eyes.

“I’m not.”

“Then bakit suot mo parin ang kwintas na binigay ko sa iyo noon?”

Napatigil ako at napatingin sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at napahawak sa kwintas. I pulled the necklace with all my force. I threw it at him.

“Hindi ko kailangan iyan!” I cried and ran away. Sabay nang pagtakbo ko bumagksak ang malakas na ulan.

..and for the second time, naiwan siya dun na nakatayong mag-isa – under the rain.

KAI’s POV

The first time she left me standing under the cold rain was when nung nalaman niyang aalis ako papuntang LA. Probably, nagtataka kayo kung bakit hindi ko sinabi sa kanya. Siguro kasi takot akong masaktan siya. Takot akong magalit siya sakin. Takot akong mawala siya. Takot ako sa lahat na pwedeng mangyari. Akala ko maaayos ko pa iyon. Akala ko, I can talk Dad out of it. Pero hindi eh, wala kaming nagawa ni Mommy kungdi ang sumunod kay Dad. Oo, naduwag ako.

I hate it whenever I see her cry. Naiinis ako nun. Parang gusto kong sapakin ang mga taong nagpapaiyak sa kanya. If only I can punch my own face for her, I would.

“Isa lang ang maipapangako ko sa iyo Dice. Even though I’m leaving, ikaw parin ang mamahalin ko.”

I said this with all my heart. Pangako ito. Kahit abutin man ako ng ilang taon sa ibang bansa, kahit marami mang babae ang makikilala ko dun, siya parin ang mamahalin ko. Siya lang.

But she left without even looking back. That was the first goodbye.

“Dad? Akala ko ba next week pa ang usapan?!….Pero Dad-… Hindi pwede iyan..O-okay..bye..” The flight was rescheduled 4 days sooner. And bukas na ang alis ko.

Hindi ko parin nakakausap si Dice. Gusto ko siyang puntahan sa bahay nila pero natatakot ako. Natatakot akong makita ang mga luha niya. Natatakot ako sa kung ano ang pwede kong gawin sa sarili ko dahil alam kong masasaktan ko siya.

Pero ayokong umalis ng hindi siya nakakausap. Kaya dumaan ako sa bahay nila 5 hours before my exact flight.

“Tita, good afternoon po. Si Dice?”

“Hijo.. napdaan ka, good afternoon din. Wala si Dice eh, umalis.. bakit sana?”

“Po? Wala po si Dice? Alam nyo po ba kung san siya pumunta?”

“Hindi eh. She just said pupunta siya sa isang lugar na di alam ng lahat.”

“Ganun po ba..” Napayuko ako at napaisip. “Tita, pwede po ba tayong mag-usap?”

“Sure. )

Pumunta kami ng balkonahe dun sa likod ng bahay nila. I held Tita’s hand and huminga ng malalim.

“Aalis na po ako papuntang LA mamayang 6. Gusto ko po sanang makausap si Dice bago ako umalis. Meron po kaming tampuhan at ayoko namang umalis ako na di kami okay. Tita, gusto ko pong magpasalamat sa inyo. For trusting me to love your daughter. Alam kong magkakaroon ako ng malaking kasalanan sa inyo oras na umalis ako ng bansa dahil masasaktan ang anak niyo. And ngayon palang, I want to say sorry already. I’m sorry sa pwedeng mangyari kay Dice. I’m really sorry.” I paused at huminga ulit ng malalim. “Kaya ngayon palang, gusto kong hingin ang permiso mong ibigay si Dice sakin. I promise I’ll come back soon. At sa pagbalik ko, I’ll marry her. I hope you’ll grant my wish.” Napayuko ako at napaluhod sa harapan ng mommy ni Dice.

She hugged me and rubbed my back.

“Alam mong malaki ang tiwala ko sa iyo Kai. I know you’ll come back and alam kong mamahalin mo parin siya. And yes.. I give you my daughter’s hands. You have my permission, pero kung sakaling pagbalik mo ay may nahanap siyang iba, nasa sa kanya na yun kung anong magiging desisyon niya.” She smiled.

“Salamat po. Thank you for everything Tita.” I kissed her and hugged her. “I promise I’ll be back. Pakisabi kay Dice na siya lang ang mamahalin ko.” I smiled and lumabas ng bahay nila.

Dumiretso na kami ni Mommy sa airport. The ride was fast. So fast. All those times, I was praying na sana maabutan ako ni Dice, na sana tawagan niya ako and clear things up before I leave. I called her, pero di sumasagot ang phone niya. I guess she intentionally turned it off para di ko siya macontact. Todo dasal ako na sana may milagrong mangyari… like sana walang gasolina ang eroplano, na sana magkaroon ng instant na bagyo, na sana mahilo si Mommy at wag na munang ituloy ang pag-alis papuntang LA. Pero ni isa sa mga dasal ko, walang sinagot ang Diyos.

“Tara na.. hindi na darating si Dice kaya tigilan mo na ang pag tingin sa entrance.” Sabi ni Mommy.

“Ma, sandali nalang.” I looked at the entrance one last time and whispered a little prayer na sana dumating siya, pero wala. I had no choice but to go inside at tiisin ang sakit na nararamdaman ng puso ko.

And the time has come to fly to LA. I left without even seeing and talking to her for the last time. I left with my body but there was something na naiwan sa Pinas, it was my heart. And someday, babalik ako para kunin iyon. Babalik ako para sa kanya. Babalik ako.

*LA. Isang buwan na ang nakalipas. Lagi akong OL sa YM, sa FS, sa Multi at sa lahat-lahat na kung saan siya OL. Minu-minuto akong nagtatype sa window ng message para sa kanya, para makausap siya. Pero natatakot akong iclick and send. Natatakot akong ipress ang enter. Natatakot akong hindi siya magreply.

DUWAG AKO.

May mga araw na hawak-hawak ko na sa kamay ko ang telephone at ang number nila sa bahay, nagriring na nga ang phone eh, pero tuwing naririnig ko ang boses niya, nanginginig ang tuhod ko at di ako makasalita. Guess I’m not that brave. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganun. And damn, it hurts a lot. It really did.

Until… one day, may nakita akong picture sa FS niya with a guy. Akala ko kaibigan lang yun, kasi sabi niya dun, “he’s just a friend, walang issue”. And I believed that one. Deym. Sobrang inggit ako. Sobrang nainis ako. Sobrang nasaktan ako. Kahit kaibigan niya lang “daw” yun, nagseselos ako. At mas lalo akong natakot na kontakin siya.

TWO YEARS LATER.

“Dad, I need to go home!”

“Hindi ka pwedeng umuwi! Patapos ka na ng college! Isang taon na lang Kai!”

“Hindi ko na kaya! Pakiramdam ko, wala na akong buhay! Dad… kelangan kong kunin ang puso kong naiwan sa Pinas. Kelangan ko yun..” I cried.

He looked at me intently at tumahimik siya.

“Si Dice parin ba?”

“Siya parin.”

“Uuwi ka pero-“

“Kapag hindi na ako, babalik ako kaagad dito.. dala ang puso ko.”

He smiled softly. “We’ve got a deal then.”

Tinapos ko lang ang 4th year ko sa States at bumalik ng Pinas. Sobrang excited ako. Excited akong makita muli si Dice. Excited akong makita muli sa personal ang mga ngiti niya, ang maganda niyang mukha. At excited akong mabuhay muli.

Kaya una kong pinuntahan pagdating ko ng bahay ay si Dice.

*DINGDONG

“Tita..” I smiled.

Napatulala si Tita (mommy niya). Napatigil siya sandali, kumunot ang noo at ngumiti.

“Kai? Ikaw na ba iyan iho?” She held my face and hugged me. “Pasok ka..”

“Kumusta na po Tita? May pasalubong pala ako sa inyo. Eto po yung kay Biboy.” I said at nilagay sa mesa yung mga pasalubong ko.

“Ayyy.. salamat.” She laughed at tinitigan lang ako. “Si Dice ba ang pasya mo dito?”

“Opo. Nandiyan po ba siya?” Ngumiti ulit ako.

“She’s out. May class pa. Pero darating na yun maya-maya. Would you like to wait?” She asked.

“Opo. Okay lang po.”

“Okay then. Dun tayo sa balcony. Mas malamig dun. Maganda ang simoy ng hangin. I know you’ve missed the polluted air of Pinas.” We then both laughed.

Mga isang oras pa siguro akong nakaupong mag-isa dun sa balcony bago siya dumating.

“Jennaaaaaa! Pasensya na kasi-” I heard her voice. Tumayo ako sa swing at huminga ng malalim before facing her. I mustered all my courage and faced her.

“Kumusta na?” I smiled softly.

Napatingin siya sakin, mga five minutes pa siguro and she snapped.

“”I’m fine.”  She laughed quietly. “It’s weird. I mean.. its been 3 years..and it’s kind of surprising that you’re here. Kelan ka pa dumating?”

“Yeah.” I answered softly. “Well, actually kanina lang. You’re the first one that I went directly into.” I smiled again.

She’s changed..physically. Mas gumanda siya. Humaba ang buhok niya at medyo tumangkad siya ng konti. Matured narin ang dating. I guess 3 years were very long years. God.. she doesn’t have any idea how I wanted to hug her at this very moment. I missed her so much and I still love her. If only..

“Wow.” She laughed awkwardly. “This is weird. So, ikaw? Kumusta ka na? 3 years ka ring nawala, wala akong news tungkol sa iyo. Nakakabigla kasi.. Hahaha. Alam mo yun..hehe.” Alam kong awkward na.

“Yeah. I’m fine, I think.” Yumuko ako sandali at tumingin ulit sakanya.

“Ahhh.. kanina ka pa ba dito? Uhhmm.. pasens-“

Huminga siya ng malalim at tiningnan ako sa mga mata.

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“Hmm.. nag-uusap na tayo..”

“I mean.. wag dito.. anywhere na-“

“Tara.” Lumabas siya ng bahay at sumunod naman ako. Naglakad-lakad kami sa kalye ng kanilang village papuntang basketball court. The streets were empty and quiet. There are lots of things that is going through my mind. Actually, I don’t know where to start. God.. how I wanted to hold her hand.

“A-anong pag-uusapan natin?” She asked habang naglalakad kami. I  stopped and faced her.

Huminga ako ng malalim.

“Alam kong galit ka.” She looked at me. “Alam kong nasaktan kita. Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo. I never said goodbye and before ako umalis, we were still in a fight. I never tried to fix it before leaving. Ni hindi rin ako nagparamdam sa iyo for 3 years straight. And bigla nalang akong babalik dito at magpapakita sa iyo? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo Dice. I’m sorry. I’m really sorry.” I was crying. She was crying. We were both crying.

“But after all.. I still love you. I still do.”

“Bakit hindi mo ako tinawagan? Bakit hindi mo ako kinontact? Why didn’t you reach out to me? Bakit pinaramdam mo sakin na wala na talaga? Alam mo ba kung gano kahirap yun?” She cried really hard.

“Dahil takot ako. Dahil-“

“Ganyan ka naman lagi eh! Takot ka! Takot kang masaktan ako! At sa takot mong yun na masaktan ako, hindi mo alam nasasaktan na ako!”

“Dice-“

“Go back to LA. Hindi na kita kailangan dito! Hindi ko na kailangan ang isang Kai sa buhay ko.” She ran, but I caught her left arm.

“One thing.. mahal mo parin ba ako?”

Napatigil ako at napatingin sa kanya.

“Dice.. do you still love me?” I looked at her…at her very eyes, trying to search any emotions, trying to know kung totoo nga o nagsisinungaling lang siya.

“Hindi. May boyfriend na ako. At mahal ko siya. He’s the one who’s always there for me na dapat ikaw. Pinuno niya ang lahat ng pagkukulang mo Kai. And I couldn’t thank him enough for that. Jhai helped me moved on from what happened. At mahal ko siya.”

“You’re lying..” I said in disbelief. I can see through her eyes na ako parin ang mahal niya. And I can still see the necklace na ibinigay ko sa kanya three years ago.

“I’m not.”

“Then bakit suot mo parin ang kwintas na binigay ko sa iyo noon?”

Napatigil siya at napatingin sa dibdib niya. She held the necklace. And shoot, she pulled the necklace and held it at her hand tightly.

“Hindi ko kailangan iyan!” She threw the necklace at my very face and she ran. She ran away for the second time. I looked at the fading image that was right at my eyes… Yumuko ako at pinulot ang kwintas. And the rain fell.

..and for the second time, she left me standing at the dark street all alone..crying under the rain.

Iyak ako ng iyak sa bahay pag-uwi ko. Mom didn’t ask kung anong nangyari, I guess alam niya na rin. And gosh, I don’t know what’s the freaking reason bakit ako iyak ng iyak. Diba nga sabi ko mahal ko si Jhai? Mahal ko siya, pero bakit ako iyak ng iyak dito? Mahal ko si Jhai. Hindi ko na mahal si Kai. Si Jhai na. Si Jhai.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung pagkikitang iyon. Hindi na siya ulit nagparamdam saken. I bet bumalik na yun ng States. Mas okay nga eh, back to dati naman ang buhay ko. Grrr… ba’t pa kasi bumalik?

“Gooossshhhh! Diceeeyyyy…” sigaw ni Jena ng papunta ako ng field. Yeah field. Nawala nga si Kai pero ang pagmamahal ko sa soccer, naiwan parin.

“Bakit?” /

“Waaahhhhhhh!! Ang gwapo-gwapo ng assistant coach natiiiin ngayooooon!”

“Assistant coach? Si Sir Ed? Duh. Tanda na kaya nun Jena.” Sabi ko at nilagay ang bag ko sa bleachers.

“Lokaret ka talaga! Hindi si Sir Ed. Pamangkin ni Sir Ed. Waahhh! Nakakalaglag panty talaga sis!” tili siya ng tili, mukha na siyang ewan.

“Owwss? Saan?”

“Ayunnn!! Yung nagsisipa-sipa ng bola!”

“Saan diyan? Dami kayang nagsisipa ng bola diyan!”

“Yung pinakaHot. Lokaret.” Sabi niya saken at dang. Ayun nga.

Huuuuuuwaaaaait. Si anoo.. si anooo… si Kai?!

“K-kai?” O

“Malandi ka! Ba’t mo na kaagad kilala?”

“I mean..” Teka, palusot ang kelangan ko ngayon. “Diba nanalo sila noon?”

“Nanalo sa alin?” Nanlilisik na ang mga mata ni Jena.

“Dati, nung highschool ako, naibalita na napanalo ng team nila ang interschool soccer game.”

“Wui, talaga?!”

“Oo!” Sabi ko at ngumiti.

“Woooww. Ang galing naman. Ang gwapo na nga ang galing pa. Akin na iyan huh. Wag nang epal at mang-aagaw.” Sabi ni Jena at naglakad papunta sa girl’s room.

Nakatulala parin ako kay Kai na nandun sa gitna ng field. Dang. Bakit ganito? Parang naalala ko lang ang kabataan naming dalawa. This is how I was nung hindi pa kami close, nakatingin sa malayo wishing that he’ll be mine. Naging akin nga siya, sandali lang naman. And ngayon… nakatingin na naman ako sa malayo.. wishing… he’s mine?

Nahhh. I shook my head. Hindi. I have someone already. I shook my head again and sat down with the girls.

I looked at him again and this time, he caugt my eyes. He looked at me for around 7 seconds bago niya inalis ang pagkakatingin niya saken. And it felt like may magnet sa mga mata naming dalawa.. I didn’t turn away. Crap.

“OMG. Did you just see that?! Fafa Kai looked at me. Nag-eye contact kaming dalawa.” Napatawa naman yung lahat sa sinabi ni Jena. Aiiisssh.

Pagkatapos ng practice ng guys, pinatawag kami ni Coach Joel.

“Let’s call this a day. But before you go home, may ipapakilala ako sa inyo.”

Di na kami nagtaka dahil pinakilala na samin ni Jena. Si Jena naman clap ng clap sa likod.

“Sir Ed went for a vacation muna. And since walang pasok ang pamangkin niya sa States, Siya na muna ang papalit at magtuturo sa girls ng soccer for the interschool women’s game.” Sabi ni coach. Arrggggggg, Whhhyyyyyy?

“Everyone.. please welcome Kai Monteverde.” We just clapped. He smiled. He looked at me and smiled. Kinilig naman si Jena. Awww..

Nung lumabas na ng field, Jhai was outside waiting for me. Bago ako lumabas, I looked back and Jena was with Kai na. Landeee. Grrrr..

“Dice! Wait for us.” She shouted. “I want you to meet Kai.” Kai smiled. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.

“Dont bother, magka-“

“Nice meeting you Kai.” I smiled and held out my hand. Tamang-tama, dumating rin naman kaagad si Jhai. God.. if you can only see Kai’s eyes right now. Sobrang napahiya siya at nagtataka. “Nga pala, this is Jhai, my boyfriend. Jhai, Kai, new assistant coach, pamangkin ni Si Eds.” Sabi ko at ngumiti. Jhai held out his hand for Kai. Kai acted civil naman. Shoot. Grabe ang tension.

“Sige, una na kami.” I said and smiled. Kinuha naman ni Jhai yung bag ko.

“Sige pare, una na kami. Jena? Ingat ha?”

I looked at Kai before getting inside the car. He was still confused and hurt. At hinding-hindi ko makakalimutan ang mukhang iyon.

The next few weeks were a torture. Mukhang galit na galit siya saken sa ginawa ko sa kanya.

“Come on, Hernandez! You can do better than that!” He shouted. Pinagpush-up ba naman ako sa mainit na ground?! Nakakainis talaga to. “I said COUNT!”

“56, 57, 58, 59, 60!”

“Louder!”

“61, 62, 63, 64, 65…” And so on. Naman… nakakainis talaga.

“Do your work kung ayaw mong maalis sa team!” He said at tumakbo dun sa ibang mga babae na nagsisipa-sipa ng bola. Makatawa ka, akala mo kung sino ka ah! Humanda ka kapag bumalik si Sir Eds. Kakatayin talaga kita.

“Tama na iyan! Balik na dito!” Sabi niya saken at tumayo naman ako. Iinom pa sana ako ng sumigaw na naman siya na pumunta na daw ako dun. Grrrrrrr…

Basang-basa na ako ng pawis. Lanya ka Kai. Isa kang gwapong demonyo!

Nang pauwi na, nahuli ako sa grupo dahil nga tinotorture ako ni EX. Walanjo naman oh. Nung palabas na ako ng girl’s room, nakita ko siyang nakasandal sa pader sa labas ng girl’s room. Napatingin ako sandali sa kanya at nagsimulang maglakad. Sumunod naman siya saken.

“Papatayin mo na ba talaga ako?” Sabi ko sa kanya ng nanlilisik ang mga mata.

“Nga pala, Kai Monteverde.” Sabi niya sakin and he held out his hand. Napatingin lang ako sa kamay niya na naghihintay na ishake ko din. “Nice meeting you.” He smiled. I just looked at him. “Just be prepared, mas magiging mahirap ang practice para sa IYO.” He smirked and went away.

That smirk. That smirk. I hate that smirk. I hate it. Grrrr. Torture na nga talaga ito!

At oo, super torture nga. Sobra. Kung ang mga team mates ko ang sarap ng laro dun sa field, ako naman eh nagpupush-up or tumatakbo sa track. Waahh. Unfair masyado. Nireklamo ko na kay Coach, pero sabi ni Coach, makakatulong daw ito saken. Waaaaaaahhh! Bakiiiiittttttt?! Ang sama-sama nitong si Kai.

“Ayos ba?” He smirked habang sinasabayan ako sa pagtakbo sa track.

“Lumayo ka nga.” Sabi ko sa kanya. Kainisss…

“Ang cute mo pag naiinis ka..” Sabi niya and smiled again.

“Bumalik ka dun kay Jena mo.”

“Ay, oo. Si Jena… she’s really pretty. Parang si Alexa lang noon. Pretty and charming. Di tulad ng iba, suplada at pikon.” Sabi niya ulit at tumawa.

BOILING POINT: 98%. Isa pa.

Tumahimik lang ako at patuloy sa pagtakbo.

“Pauuwiin ko na sila, takbo ka lang muna diyan. Babalikan kita.” Sabi niya at tumakbo papuntang field ulit.

BOILING POINT: 99%.

I stopped for a little while at tama namang bumalik siya.

“Sino nagsabi sa iyo na pwede kang umupo?” He said.

Suplado.

“Pagod na ako. Kanina pa ako takbo ng takbo dito. Ano ba? Are you getting back at me? Kasi kung ganun, this is really unfair already.” I said trying to catch my breath.

“Why would I get back at you?” He looked at me smirking.

“Why? Kasi.. kasii.. kasi I pretended na hindi kita kilala.. kasi-“

Nagkibit-balikat siya.

“Actually, that was just fine with me.” He smiled but I can still see through his eyes that he’s hurt.

“No your’re-“

“Kai, uwi na tayo!” Sigaw ni Jena. Bigla akong napatahimik at bigla naman siyang napalingon kay Jena. He smiled.

“Sige, una na ako. Ingat nalang diyan. Nga pala, wag kang tumigil hanggang nakakaabot ka ng 120 rounds. Ika ilang rounds ka na?”

O_O

“120 rounds?! Are you kidding me?! Maoospital ako nito.”

“Don’t worry, if ever na maoospital ka, I’ll be there to take care of you.” He smirked again and ran away. “Nga pala, babalikan kita to check up on you!” He said and waved away.

“Uunahin mo pa si Jena?” I whispered to myself.

Crap! Syempre, sino ka ba para unahin niya? At sa sobrang inis ko, tumakbo nalang ulit ako ng tumakbo hanggang nakaabot ako ng 120 rounds. Dapat ganitong oras nakauwi na ako, pero ewan ko ba at umupo lang ako dun sa gitna ng field. Parang hinihintay ko siyang bumalik na parang.. aish.. nakakainis.

10:25 pm.

Nakatingin lang ako sa langit habang nakahiga sa gitna ng field. Di man lang ako tinatawagan ni Jhai. Si Mama kanina pa tawag ng tawag pero ayokong sagutin. Anong klaseng boyfriend iyan? Dati si Kai, kapag ginagabi ako ng uwi, tawag na ng tawag. Kung di man tumatawag, sinusundo ako kung saang iskinita man ang bahay ng kaklase ko, umulan man o umaraw. Teka, ba’t ko sila kinokompara? Iba si Kai kay Jhai. Tsss.

“Sabi ko pag tapos ka na, umuwi ka na.” Biglang nawala ang mga bituin sa mata ko at napalitan iyon ng nag-aalalang mukha ni Kai. “Tigas ng ulo mo.”

“Ba’t ka bumalik?”

“Sabi ko diba babalik ako to check up on you?” He smiled. “Ba’t ka pa nandito?” He sat down on my right side.

“Dahil.. dahil ayoko pang umuwi.”

“Hindi ka ba sinundo ng boyfriend mo? Dapat nag-aalala na iyon ngayon.”

“Busy siya.” Sabi ko at napatayo. “Uuwi na ako.” He also stood up and held my right hand. He put his fingers at mine tightly.

Playing: Sa Kanya by MYMP

“It still fits.” He said and looked at it. I tried to get my hand out of his but I can’t. He then pulled me closer. That look. That same look.. how I missed that look. It’s the same look before he kissed me noong highschool.

And his face kept getting closer.

Crap. Back off Dice. He’s going to kiss you, my brain said. Pero hindi ako gumalaw. Instead, I closed my eyes and waited for his lips to met mine. Crap. My tears started to fall.

And we kissed.

And God knows how I missed those lips. How I missed that kiss. How I missed him.. How I still love him.

Crap. Mahal mo si Jhai.
And I pushed him away. I looked at him horribly and ran. And the rain fell again.

I called Jhai to fetch me up at the school gate. Dumating naman siya. And all those time of ride, I was thinking of Kai. His kiss, his lips and how my heart ache for him again. I was wet. Drenchly wet. And before I went down from the car, I looked at Jhai.

Si Jhai na nasa tabi ko simula noon. Si Jhai na walang alam kung anong nangyari sa buhay ko pero pinili paring mahalin ako. Si Jhai..

“Kiss me.”

He suddenly looked at me.

“Huh?”

“Kiss me.” I said habang pinipigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko. “Jhai, halikan mo ko.”

And he did. We kissed. We kissed hardly. Pero bakit hindi ko naramdaman ang tamis sa mga halik niya? Bakit hindi ko naramdaman sa puso ko na gusto ko pa? Bakit hindi ko narinig ang tibok ng aming mga puso? Bakit hindi ko narinig ang kabog ng aking dibdib? Bakit parang wala lang akong naramdaman?

I looked at Jhai unbelieving.

“I’m sorry.” Sabi ko at lumabas ng kotse. He looked at me sadly.

“It’s alright with me..” Lumingon ako sa kanya. “Alam kong mahal mo parin siya. At ayos lang sakin kung gusto mong balikan siya.”

“Jhai..”

“Ayos lang Diane.” He said and smiled softly.

My tears started to fall…and I hugged him.

“Salamat.” I whispered at his ear. He smiled and drove off.

Pagkabukas, maaga pa akong pumunta sa school for the practice pero wala pa si Kai. And I saw a letter at my locker.

Same place. I’ll wait for you..
Huli na to. Kaya sana, pumunta ka.

–Kai

Same place? Same place? Soccer field. Dating school. My tears fell again and nagmadali akong pumunta dun.

“Oh, sa susunod pa na buwan reunion niyo ah?” Sabi ni Manong Guard sa dati kong school.

Ngumiti lang ako at tumakbo papuntang soccer field.

I saw him standing at the center of the field while his hands are on his pockets.

“Kai!” I shouted. Lumingon naman siya and my heart ached again at the sadness of his face.

“Thank God you came.” He said and smiled.

I was still catching my breath and we were standing at the middle of the soccer field… just the two of us. And the dark clouds covered the hot sun.

May kinuha siya sa pocket niya and held it at his hand.

“I want to give this back to you. This is actually yours.” He said and kinuha niya ang kamay ko para ilagay ang necklace dun. I held it tightly. “Honestly, umuwi ako dito para makita ka. God knows how happy I am to see you again. I told my dad na kukunin ko lang ang puso ko galing sa iyo. But I guess hindi na. Iiwan ko na iyan sa iyo.” Yumuko siya and I knew then na umiiyak na si Kai. Huminga siya ng malalim. “I’m going back to the States. I hope you’ll be happy with him.” He smiled.

At hindi ko alam kung anong ginawa ko, basta the last thing I remembered, we kissed… again.

And it felt oh so right – kissing under the rain.

“Should we marry each other under the rain? After all, dun naman nagsimula ang lahat eh.” I said smiling. He just kissed me.

“Anywhere. Pakakasalan kita.” He said while smirking.

I smiled and bit my lip.

“Really?”

“Yeah.” He hugged me again and I kissed him.

“Daddy o, mommy won’t let me play under the rain.”

I guess alam niyo na kung anong nangyari. D This is how I end the story. Alam kong marami pa ang mangyayari saming dalawa. But we know na makakaya namin to. Our love for each other and with the grace of the Lord, we will live together till God knows when. And yes, we are going to love each other hanggang sa magkaroon na kami ng arthritis at presbyopia.

THE END

Author’s Note:

TO GOD BE THE GLORY.
I won’t be able to finish this one if not for our Lord Jesus Christ giving me wisdom and knowledge. I’m bringing Him back the glory and honor. )

Heaps of love,

Kim.

56 thoughts on “Under The Rain”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s