Before I Let You Go * NEW

Read this on Wattpad.

Started: February 26, 2012

Completed: ?

I’ve been liking that guy for four years already – buong college life ko, siya lang talaga ang crush ko. We never became friends – masyadong malayo ang connection. May mga common friends, pero never talagang nagkasama kami sa gimik o sa tambay. He wasn’t the type naman na palalabas. He was into photography, so his circle of friends were also into photography.

Gustohin ko mang bumili ng SLR, di pwede, kasi priority ang needs and not wants. Yung tipong, sayang naman pag bumili ako ng SLR para lang maging friends kami. Diba? Basta, iba kasi buhay niya sa buhay ko. Masyado siyang mahirap abutin, really. Nakakastress, teh!

But then before I graduated, I mustered up the courage talaga para makapagconfess. Naisip ko, total di ko narin naman sya makikita everrrr, might as well tell him how I feel nalang. For future purposes? Charot! Yung para makamove on naman, walang hang-ups. Maghanap ng bagong boylet. As if naman naging boylet ko sya.

Pero yun nga. Kaya naman after graduation, di pa siya gagraduate eh, pagkatapos ng lahat-lahat, yung sa picture taking chorva na, at nagpipicture-picture sya dun sa harap ng stage, kinilabit ko sya.

“Hi!”

Napatingin lang siya sakin. “H-Hi?”

At dun nagsimula ang mahaba kong speech. Aba, binuhos ko lahat! Di naman ako umiyak-iyak effect ha. Pero naluha-luha ako. Four years of unrequitted love, you guys. Mahirap yun, teh! At pagkatapos kong magspeech, sabi niya lang,

“Uhh, thank you? And I’m.. sorry?”

Ako naman yung natameme. Yun lang yun?! Yun lang talaga? Walang echos-echos na I feel the same way di ko lang masabi chever? Thank you and I’m sorry? Yes, yun yun eh.

Six years ago yun. Tapos eto ako ngayon, makikipag blind date sa kanya, hoping na sana di niya na ako matandaan. After all, maraming taon na ang nakalipas. At malamang, maraming girls na rin ang nagconfess sa kanya.

Awkward and funny scene. Sabi ko pa dati, “Before I let you go, I want to say I love you.” What the hell was I thinking? Kaloka lang. Sana lang talaga, di niya ako matandaan. For sure, ako lang nakapagbitaw ng ganoong mga punchline, oh diba, bongga!


Published by

Kim | Half of My Heart

Kim is a programmer at day and a wannabe-writer and traveler whenever she has free time. On top of her bucket list are London, Egypt and New York. She dreams of quitting her job and just get lost and wander in places around the world working as a part-timer in various decent jobs.

7 thoughts on “Before I Let You Go * NEW”

  1. Hi! Nung makita ko po ang title “Before I let you Go” reminded me of the story na The Promise. Solid po yun, nakakaiyak kase… Favorite ko yung The Promise, Tas pag pinapakinggan ko yung Song na Before i Let you Go, naaalala ko yung story ni Eliza.

  2. Kim? Hey girl. Can I ask you something? I haven’t finish reading your latest story posted in FTALK. UNDER THE RAIN 2. And from what I heard, there will be no FTLAK anymore. I just want to ask if you have a pdf file of that or word for me to be able to read it. Please~! =( I wanna know what to happened to Manuel.

    1. Bakit ngayon ko lang to nabasaaaaa? Edi sana na back up ko yung stories. :)) Hahaha, nevermind. Wala na yun, di ko na mauulit yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s